^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (418)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKIKINIG si Aya sa pagkukuwento ng amang doctor. Nararamdaman niya, totoo ang sinasabi ng kanyang ama. At nakakadama siya ng awa. Ang kanyang nadamang galit dito noon dahil sa hindi pagsilip habang nakaburol ang kanyang Mama Brenda, ang hindi pagsagot sa kanyang mga tawag at text, ang pagsisinunga­ling nito tungkol kay Dra. Sophia at ang pagtataksil nito ay unti-unti nang nababawasan. Nagsisi na pala ito. Masakit pala ang nangyari. Niloko pala ng babaing ipinagpalit kay Dra. Sophia.

“Kinaliwa ako ng babaing pinagpalit ko kay Sophia. Isa siyang flight stewardess. Pagdating namin sa US, masayang-masaya ang pagsasama namin. Okey kami. Hindi na ako nagpraktis ng propesyon ko roon. Sa halip pumasok akong health worker. Siya naman ay sa isang bazar. Akala ko, wala nang problema sa pagsasama namin, meron pala. Lumabas ang tunay na ugali. Mahilig sa night life. Walang taros gumastos. Social climber. At ang malupit pa, nalaman kong may lalaki siya. Kasamahan sa trabaho. Pinoy din. Kasing-age niya. Noong una, hindi ako maniwala sa nabalitaan ko. Sabi ko, sinisiraan lang dahil pansinin ang ganda. Pero nang isang Pinoy na ang nagsabi sa akin, naalarma na ako. Sinubaybayan ko at nahuli ko sila sa aktong nagtatalik….’’

Tumigil si Doc Paolo sa pagkukuwento. Napatungo. Napailing-iling ito.

Pagkaraan ay ipinagpatuloy ang pagkukuwento.

“Noong una, ang ba­lak ko kapag nahuli ang dalawa ay babarilin ko. Nakabili ako ng baril doon. Pinaghandaan ko na ang mangyayari. Balak ko pagkatapos silang barilin ay ako naman ang magbabaril. Yun ang talagang plano ko pero hindi ko nagawa. Nakapag-isip-isip ako. Bakit ko sasayangin ang buhay dahil lamang sa walang kuwentang babae. At isa pa, doctor ako na ang tungkulin ay para bumuhay at hindi para pumatay. Hindi ako dapat magpadalus-dalos. Hindi iyon ang solusyon. At agad akong nagpasya na lisanin ang lugar. Hinayaan ko na ang dalawa sa kanilang ginagawa. Habang papalayo ako sa lugar, noon ko naisip ang malaking kasalanan na nagawa ko kay Sophia. Hindi ko dapat sinaktan ang damdamin ni Sophia. Hindi ko siya dapat iniwan…’’

Napatungo muli si Doc Paolo. Pagkatapos ay isinapo ang dalawang palad sa mukha. Nanatili ito sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto.

Matapos iyon ay nagsalita. “Alam ko, hindi ako mapapatawad ni Sophia. Pero magbabakasakali ako na mapatawad mo, Aya. Mapapatawad mo ba ako, anak?”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYA

DOC PAOLO

DRA

MAMA BRENDA

NAPATUNGO

NOONG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with