^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (354)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PINAGMASDAN ni Sam si Julia. Bakit hindi na nagawang magdamit? Humilata na lang nang naka-bra at panty! Napalunok si Sam. Kapag pala naka-bra at panty lang si Julia ay lalong lutang na lutang ang kaseksihan. Ibang klase ang kaseksihan ni Julia. May halong kalandian! Pero bagay sa personalidad niya. Napalunok uli si Sam. Sinul­yapan ang dibdib. Mayaman na mayaman. Dumako sa puson. Flat na flat. Napa-kaliit ng baywang. Dumako sa mga hita. Makinis na makinis. Napalunok uli si Sam.

Naghinala si Sam kung bakit walang kakilus-kilos si Julia. Baka nahilo at tuluyang nawalan ng malay? Baka kaya naka-bra at panty lang ay dahil nahilo na kaya nakahilata.

Inobserbahan niya ang paghinga. Tumataas-buma­baba ang dibdib. Ibig sabihin, nakaidlip lang. Baka dahil sa sobrang pagod lang kaya hindi na nagawang magdamit.

Hindi na inistorbo ni Sam si Julia. Hinayaan niyang magpahinga. Baka masira ang pagtulog ay makasama pa. Kanina, pakiramdam niya ay nanlalambot si Julia. Namumutla rin. Ngayon sa pagkakahiga ni Julia ay nakita ni Sam na nawala na ang pamumutla.

Minsan pa, hinagod ni Sam ng tingin ang kabuuan ni Julia. Napakaganda ni Julia.

Lumabas na si Sam at naupo sa sopa. Nanood ng TV. Pero wala sa pinanonood ang isip niya. Si Aya ang iniisip niya. Tiyak naghihintay ito sa kanya. Sabi niya mga alas singko ang dating niya. Sinulyapan niya ang oras sa kanyang relo: Alas siyete na. Hindi naman niya matawagan o ma-text. Anong sasabihin niyang dahilan?

Ipinagpatuloy niya ang panonood. Pero wala siya sa konsentrasyon. Ang umaagaw naman sa kanya ngayon ay ang kagandahang nakalatag sa kama --- ang maganda at kaakit na si Julia. Mas magan-da pala si Julia kapag naka-panty at bra lamang. Parang lumpiang sariwa na tinitinda!

 

NANG mga sandaling   iyon naman ay natapos na ni Aya ang pagluluto ng tinola na paborito ni Sam. Luto na rin ang sinaing. Drinks na lang ang ihahanda niya. Gusto ni Sam ang kalamansi juice. Kinuha niya sa ref ang mga kalaman-si. Naghiwa. Piniga niya sa babasaging kristal na pitsel.

‘‘Aray!’’ Humapdi ang sugat niya sa daliri. Nasugatan iyon kaninang hinihiwa niya ang luya.

Nilagyan niya nang mala­mig na tubig ang pitsel na may pinigang kalamansi. Tinimplahan ng asukal. Nilasahan. Okey na. Nilagyan niya ng mga tipak ng yelo. Ipinasok sa ref.

Nagtungo siya sa salas at naupo. Darating na siguro si Sam. Pasado alas siyete na.

Nakaramdam ng pagod si Aya. Bakit kaya wala pa? Baka nagdaan pa sa Raon at ibinibili siya ng lumpiang sariwa. Siguro nga. Ipinikit niya ang mga mata. Habang nakapikit iniimadyin niya na bumibili ng lumpiang sariwa si Sam. (Itutuloy)

vuukle comment

AYA

BAKIT

DUMAKO

JULIA

NAPALUNOK

NILAGYAN

NIYA

PERO

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with