^

True Confessions

Alakdan (307)

Pilipino Star Ngayon

Ilang buwan pa ang lu-mipas at ikinasal na sina Troy at Kreamy. Kung meron mang pinakamaligayang babae ng tag-araw na iyon ay walang iba kundi si Kreamy. Natupad ang pangarap niya. At wala namang pinaka-maligayang lalaki kundi si Troy.

Napaka-aliwalas ng araw na iyon. Iyon ang pina­pangarap ni Troy --- napa-kaganda ng panahon. Lahat nang mga kamag-anak nina Kreamy ay naroon.

Sa isang sikat na simbahan sa Intramuros idinaos ang kasal at sa isang five star hotel ginawa ang reception.

Maliwanag pa ang araw nang matapos ang selebrasyon. Iyon naman talaga ang gusto ni Troy at Kreamy. Gusto nila huwag aabutin ng dilim sa labas. Gusto nila pagkagat ng dilim ay nasa suite na ng isang hotel sa Roxas Blvd. Doon nila pinili na magdaos ng unang gabi bilang mag-asawa. Gusto ni Troy na mag-honeymoon sila sa Bangkok pero tumanggi si Kreamy. Matindi raw ang init doon. Dito na raw sila sa Pilipinas.

Nang sapitin nila ang kanilang room, ay hindi pa rin makapaniwala si Kreamy na mag-asawa na sila ni Troy. Napakabilis ng mga pangyayari. Kailan lamang sila nagkita ni Troy ay eto at ipagkakaloob na niya ang sarili sa lalaking minahal na niya noon pa.

Eto at hinahalikan na siya ni Troy sa pisngi. Pagkaraan ay sa batok. Nakiliti siya. Katatapos lamang niyang mag-shower. Nakatapi siya ng tuwalaya. Ganundin naman si Troy. Katatapos lang ding mag-shower at may nakabalabal ding tuwalya.

Hanggang sa halikan siya ni Troy sa labi. Marahan lamang ang pagkakadampi ng labi ni Troy. Sapat na ang init na hatid ng labi nito para painitin din ang kanyang labi.

Nang kumilos si Troy para alisin ang nakaba­labal na tuwalya sa katawan ni Kreamy ay nagkatinginan sila. Eto na ba ang simula?

“Troy…’’

Tumango si Troy. Si-mula na nga.

“Troy dahan-dahan…’’

Tumango si Troy.

Parang nananaginip si Kreamy. Tinatangay siya. Parang papel siya na tangay ng hangin.

Pero hindi panaginip ang masarap na karanasang nalasap niya. Nadama niya nang buung-buo ang pinagkaloob ng lalaking minamahal. 

(Itutuloy)

vuukle comment

DITO

ETO

GANUNDIN

IYON

KATATAPOS

KREAMY

NANG

ROXAS BLVD

TROY

TUMANGO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with