^

True Confessions

Alakdan (298)

Pilipino Star Ngayon

‘‘BAKIT po kaya dito isiselebreyt ni Mam Kreamy ang Pasko, Papa?’’ tanong ni Pau sa ama.

‘‘Oo nga ano? Bakit nga kaya?’’

‘‘Hindi po kaya birthday din niya bukas, Papa?’’

Kumislap ang mga mata ni Digol.

‘‘Teka, naalala ko na! Birthday nga ni Kreamy bukas. Binanggit sa akin si Troy minsan na ang buong pangalan ni Kreamy ay Marie Christmas.’’ ‘‘Ah kaya po pala Kreamy.’’

‘‘Kasi Pasko nga ipinanganak.’’

 

KINABUKASAN, Pasko na. Alas sais pa lamang ay dumating na ang catering service. Dalawang van. Itinuro ni Digol sa mga crew kung saan ipupuwesto ang mga pagkain. Napansin ni Digol na talagang maraming putahe. At hindi lang basta-basta mga putahe ang handa. Masasarap. Swak na swak sa pagdiriwang ng Pasko.

‘‘Papa, magbihis ka na. Baka biglang dumating si Tito Troy. Mas maganda kung nakabihis na tayo.’’

“Oo anak.’’

“Alam mo na ang gagawin Papa?’’

“Kabisado ko na, Pau.’’

“Kailangan ay hindi makahalata ang dalawa. Paghuhusayin natin ang pag-arte.’’

“Nakahanda na ang  mga gamit natin, Pau. Nasa gitna na ng salas ang dalawang silya. Magkaharap ang mga silya. Nilagyan ko na nga ng pangalan ang mga silya para hindi ako magkamali.’’

“Ako ang mag-aakay sa kanila sa pagpunta sa salas. Ikaw Papa ang magpapatay at bubuhay ng ilaw.’’

“Areglado, Pau.’’

Pasado alas otso ay dumating si Troy. Sinalubong ito ni Pau sa gate pa lang.

‘‘Merry Christmas, Tito Troy.’’

‘Merry Christmas, Pau. Uy ang ganda ng suot mo ah.’’

“Salamat Tito.’’

“Nakahanda na ba ang food natin?’’

“Okey na po Tito. Pero bago po tayo kumain e meron tayong program.’’

“Talaga. Sige. Anong gagawin ko sa program?’’

“Kasama ka po sa games. Lalagyan ko po ikaw ng piring at aakayin kita sa papasok ng bahay.’’

“Sure.’’

Piniringan ni Pau si Troy at saka dinala sa loob ng bahay. Iniupo ni Pau sa silya na nasa gitna ng salas. Pinatay ni Digol ang ilaw.

Eksaktong alas nuwe­be, dumating si Kreamy. Maraming dalang pagkain na nakakarga sa van.
Gaya ng ginawa kay Troy, ganundin ang ginawa kay Kreamy. Piniringan at dinala sa loob at saka iniupo na kaharap ni Troy.

Nang maiupo, binulu­ngan ni Pau si Kreamy, ‘Pagbilang ko po ng tatlo, alisin mo po ang piring.’’

Tumango si Kreamy.

Ganundin ang ibinulong niya kay Troy.

Sinenyasan naman ni Pau si Digol. Alam na ang gagawin.

“One, two, three…’’

Inalis ng dalawa ang piring. Sabay na sabay nang maalis. Sabay din naman sa pagsindi ng ilaw. Pagkaraan ay pinatugtog ni Digol ang “Happy Birthday.”

Hindi naman makapaniwala sina Digol at Pau.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DIGOL

KREAMY

LSQUO

MERRY CHRISTMAS

PASKO

PAU

TITO TROY

TROY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with