^

True Confessions

Alakdan (8)

- Ronnie M. Halos -

“HINDI na ako naghanap pa ng ibang trabaho dahil okey naman ang pagsasayaw sa gaybar. May pera agad. At saka wala nga akong tiyaga sa ibang trabaho na karampot lang ang suweldo. Pinag-aralan kong mabuti ang pagliyad-liyad sa harap ng mga customer na bakla at matrona at iyon, tumitili sila sa kargada ko…yung iba parang gusto nang sakmalin itong si Pitoy ko…’’

Nagtawa uli si Troy nang sabihin ni Digol ang kanyang ‘‘Pitoy’’.

“Akala ko kuwento-kuwento lang ang ganun, Digol.’’

“Totoo iyon, Pinsan. Kung ang mga lalaki e libog na libog kapag may babaing naghuhubad sa entablado, ganun din ang mga matrona’t bakla.’’

‘‘Pero may nag-alok sa iyo para maka-sex?’’

“Oo naman. Sa ganung trabaho sa gaybar, asahan na iyon. May bakla at matrona na nag-alok sa akin.’’

“Pumayag ka?’’

“Sa matrona ako nagpa-takeout.’’

‘‘Bakit hindi sa bakla?’

‘‘Hindi ko malaman ang sarili ko. Natatakot ako sa bakla. Walang biro. Kahit na may nag-alok sa akin na isang couturier na bakla na malaki raw ang ibibigay sa akin, tinanggihan ko. Maayos naman ang pagtanggi ko. Kaya hanggang ngayon, wala akong experience sa bakla.’’

‘‘Kakatwa naman ano Digol, nagsasayaw ka sa gaybar pero wala ka palang karanasan sa bakla.’’

‘‘Oo nga. Yung mga kasamahan kong dancer, nagtataka kung bakit ayaw kong magpa-takeout sa bakla. Ano pa raw ang hahanapin ko e masarap magpaligaya ang mga bakla. Marami pa raw pera…’’

‘‘E di sa matrona ka lang nagtiis?’’

‘‘Oo. Pero yung kauna-unahang matrona na nakaulayaw ko, super bait at super galante. Kaya nga sabi ko sa sarili, hindi ako nagkamali nang piliin na sa matrona lang magpa-takeout.’’

‘‘Paano ka na-takeout ng matrona na sinasabi mo?’’

“Madalas ko nang napapansin na nakatingin sa akin ang matrona kapag nagsasayaw ako. Kahit ilan ka­ming lalaking nagsa­sayaw sa stage, sa akin naka-pokus ang matrona. Type siguro ako. Hanggang sa magkakilala kami. Aba at talaga palang type raw niya ako. Sabi ko, kaya pala madalas siyang nakatitig sa akin.’’

“Anong pangalan niya?’’

“Katrina.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BAKLA

DIGOL

KAHIT

KAYA

LSQUO

MATRONA

OO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with