La Viuda (34)
Kinaumagahan, nagtaka si Kristina sa hindi karaniwang mga kilos ng mga tao sa mansiyon. Sa utos ni Doña Presentacion, personal na inihain sa kanya ang masusustansiyang pagkain at sariwang gatas.
Bukod dito, inatasan ng Donya ang isang grupo ng mga utusan, kasama ang ina ni Andres na si Aling Pacing, upang alagaan at tiyaking hindi siya mapapagod.
“Kailangan mong kumain nang mabuti, Kristina,” mahinahong sabi ng donya habang nakatitig sa kanya na may kakaibang ngiti. “Mahalaga sa hacienda ang iyong kalusugan.”
Naguguluhan at kinikilabutan si Kristina sa biglaang malasakit ng donya. Habang si Aling Pacing naman ay may pag-aalala sa mata nito tuwing nakakasalubong ang kanilang tingin sa isa’t isa.
(Itutuloy)
- Latest
















