^

True Confessions

La Viuada (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI inintindi ni Kristina ang biglaang pagbabago ng pakitungo sa kanya ni Donya Presentacion. Inisip niya na ang pagkakaroon ng malasakit nito sa kanya ay dahil tinatanggap na siya nito bilang manugang. Pero sa loob-loob niya, kahit pa maging mabait ito sa kanya, hindi niya ito pagkakatiwalaan. Itutuloy niya ang plano nila ni Andres.

Kinagabihan, nang makasigurong tahimik na ang buong hacienda, mabilis na bumaba si Kristina sa bodega patungo sa selda ni Andres. Dala niya ang pagkain, ngunit nagulat siya nang salubungin siya nito na may matinding takot sa mga mata. Damang-dama ni Kristina ang pagkabalisa ng binata. Wala rin itong tigil sa pagtitig sa tiyan ng dalaga.

“Andres, anong nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Kristina habang sinusubukang hawakan ang kanyang kamay.

“Umalis ka na rito, Kristina...” nangi­nginig na pakiusap ni Andres, habang patuloy ang pagtingin sa kanyang tiyan. “Tumakas ka na ngayong gabi at huwag ka nang babalik kailanman!”

Kumunot ang noo ni Kristina. “Bakit ka nagkakaganyan? Bakit biglang gusto mo na akong umalis? Paano ka? Paano ang Nanay Pacing mo?”

“Dahil baka nagdadalantao ka na!” bulalas ni Andres habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. “Narinig ko sina Mang Teban at ang Donya noong isang gabi... Alam nila ang nangyari sa atin! Inaasahan nilang magkakaanak ka mula sa akin. Ang bata sa sinapupunan mo ang huling sangkap sa mga plano nila, Kristina!”

Nanlamig ang buong katawan ni Kristina habang umaalingawngaw sa isip ang pagbabago ng pakitungo ng Donya sa kanya kaninang umaga.

Tulala at tuluyan nang kinain ng takot, mabilis na umakyat si Kristina pabalik sa mausuleo.

Ibinagsak niya ang katawan sa higaan habang nanginginig ang mga kamay na dahan-dahang humaplos sa sariling tiyan. Sa gitna ng kadiliman at sa gitna nang matinding pag-ikot ng kanyang isip, pumasok ang isang nakatatakot na katanungan: kapag totoo ngang may nabubuo sa sinapupunan niya... kanino ito? Kay Andres ba na kanyang minamahal... o kay Ernesto na kanyang tagapagligtas?

(Itutuloy)

DONYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with