^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (88)

- Ronnie M. Halos -

MALAKI ang pagkakangiti   ni Mr. Diegs nang puma-   sok ako sa opisina niya. Na­kaupo sa sopa na nasa sulok ang bagong model. Nakatingin sa akin. Ang beauty ay ang tipo ni Mr. Diegs.

Naupo ako sa silyang nasa harap ng mesa ni Mr. Diegs.

“Mabuti at dumating ka, Per. Akala ko, hindi ka na magpapakita sa akin…”

“Takot ko lang sa’yo Bossing…” sagot ko.

Nagtawa si Mr. Diegs.

“Sorry nga pala kahapon. Masyado akong naging mapilit. Tensiyunado na kasi ako.”

Napangiti ako. Sa mga may-ari ng kompanya ay bihira ang katulad ni Mr. Diegs na nagso-sorry.

“Wala yun Sir.”

“Kahapon kasi e talagang wala na akong maisip kung saan kukuha ng magiging model. E siyempre maganda naman si esmi mo --- ano ngang name niya, Per?”

“Jesusa, Bossing.”

“Nung makita ko kasi e biglang naisip ko na siya na lang dahil wala nga akong kaide-ideya kung saan hahagilap. Kaya ayun naging makulit. Pero totoo na yung painting ni Jesusa na ginawa mo, e maganda. Kung ipagbebenta mo yun, sa akin mo na ialok ha…pero palagay ko, hindi mo ibebenta. Maski siguro bayaran nang malaki, tatanggi ka.”

Ngumiti lang ako. Tama si Bossing, talagang tatanggi ako. Walang katumbas na pera ang painting na yun.

“Nang umalis kami sa inyo kahapon, kumain kami sa restaurant, aba naispatan ko itong si Mayumi. Tingnan mo naman ang beauty niya Per. Di ba okey na okey…”

“Okey nga Bossing. Muk­hang bebenta na naman ang MATIKAS.”

“Palagay ko nga. Yun nga palang ideya ko na may illustration sa cover, pagpalitin natin. Sa loob na lang ang illustration at photo na lang sa cover. O puwede rin sa Outside Back Cover. Tama, sa OBC na lang ang illustration mo…”

“Sige Sir. Mas maganda nga siguro kung ganoon.”

“Pero ang gusto kong illustration para kay Mayumi ay yung naaaninag na ang “hiyas” ha. Alam ko, sanay na sanay ka sa ganoon. Gusto ko katulad nung obra mo, Per Yung painting mo sa bahay.”

“Walang problema Sir.”

“Okey ha. Teka nga pala kailan nyo ba balak magpakasal ni Jesusa.”

“Inihahanda na namin Bossing.”

“Ipaalam mo sa akin ha. Baka naman ilihim mo.”

“Hindi Bossing. Ikaw nga ang isa sa mga ninong.”

Napahagikgik.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI BOSSING

JESUSA

MAYUMI

MR. DIEGS

OUTSIDE BACK COVER

PER YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with