^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (80)

- Ronnie M. Halos -

KUNG saan nadapa ay doon na ako babangon. Wala naman akong ma­pupuntahang iba pa. Ginusto ko rin naman na magkamal ng pera. At hindi lang basta-basta karangyaan ang maidu­dulot sa akin ni Mr. Dy. Marami palang negos-   yo ang Tsekwang iyon    kaya kung magbigay ng pera ay balewala lang. Maaari akong lumabas at bilhin ang anumang gusto ko. Pag-aaralin pa ako.

Masakit ang katawan ko. Masyadong mabigat ang Tsekwa. Iniunat ko ang aking mga paa. Kapag kumikilos ako ay masakit ang aking ta­giliran. Pero nang tingnan ko ang perang nasa palad ko, nalimutan ko ang sakit. Mabilis palang makapag­palimot ng sakit ang pera.

Nasaan na kaya ang hayop na si Mon? Palagay ko, hindi na magpapakita ang hayop. Bistado ko na ang modus niya. Siguro marami na siyang kolehi­yala na naibenta kay Mr. Dy. Si Mr. Dy na mismo ang nagsabi na kakaiba ako sa mga babaing dumaan sa kanyang kamay. Kakaiba raw ako sa mga babaing binigay ni Mon.

Dito na lang ako. Ano pa ba ang magagawa ko? Kaysa naman magalit ako dahil sa nangyari sa akin, tanggapin ko na lang ito. Hindi naman ako pababa­yaan ng Tsekwa.

Ang hinding-hindi ko gagawin ay ang umuwi sa probinsiya. Sa nangyari sa akin, hindi ko na haha­ngarin pang umuwi roon. Wala na akong ihaharap    sa kanila. Ang katawan ko ay nasa kumunoy na kaya mananatili na lang ako     rito. Bahala na ako sa sarili ko.

Naligo ako. Nag-ayos ng sarili. Nagbihis. Nagpa­bango. Nilibang ang sarili. Lumabas ako at nag-shopping. Kung anu-ano ang binili ko — damit, sapatos, relo at iba pa. Kumain ako sa restaurant. Nang mag­sawa ay umuwi sa aking “unit”.

Hinintay ko kung dara­ting ang tsekwa. Wala. Kinabukasan ng hating­gabi, dumating. Lasing. Hayok na hayok sa akin.

Pinagsilbihan ko na. Tanggap ko na ang kapa­laran sa kamay niya. Kung saan nadapa, doon ako babangon. Alam ko na kung paano maki­kipaglaro sa Tsekwang ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

BAHALA

MR. DY

SHY

TSEKWA

TSEKWANG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with