^

True Confessions

Anay (ika-82 na labas)

- Ronnie M. Halos -

 (Kasaysayan ni E.A.E.)

KINAGABIHAN ay pinlano ko ang gagawing pagganti sa dalawa. Gagawin ko iyon nang hindi ako ma­nanagot sa batas. O kung madiskubre man ang gina­wa niya, mahihirapan pa ring patunayan.

Ang plantsa na hiniram ko kay Matrona ang sagot sa aking gagawing paghihiganti. Lintik lang ang walang ganti! Panahon ng paniningil ngayong gabi.

Inihanda ko ang aking bag ng damit. Nasa loob noon ang mga mahaha­laga kong dokumento. Pi­nagkasya ko roon ang la­hat ng mahahalagang ga­mit at saka damit. Ang ibang damit na luma ay hindi ko na dinala. Kaila­ngan ang bag ay isang buhatan lang para walang abala. Ipinuwesto ko sa may pinto ang bag.

Dakong alas-otso ng gabi ay nagtungo ako sa kuwarto ni Gil. Dala ko ang plantsa at isang pantalon at t-shirt.

Bukas ang pinto kaya hindi na ako kumatok.

“Gil! Gil!”

Narinig ko ang sigaw mula sa CR.

“Sino ‘yan?”

“Eloi!”

“Sandali lang at umeebs ako.”

“Makikiplantsa lang ako, Gil. Pahiram ng kabayong plantsahan…”

“Kunin mo na lang diyan.”

Kinuha ko sa likod ng pin­to ang kabayo at ipinor­ma sa malapit sa may bin­tana na may nakasabit na pulang kurtina.Sinimulan kong plantsahin ang aking pantalon at t-shirt.

Lumabas si Gil sa banyo.

“Ano Eloi, meron na bang naka-post sa ATM mo?”

“Baka bukas meron na, Gil.”

“Okey. Good girl.”

Hindi na nagbihis si Gil, Nakatapi lamang siya ng tuwalya at lumabas. Pero nagpaalam sa akin.

“Puntahan ko lang si Matrona, ha Eloi?”

“E di puntahan mo.”

“Mamaya tayo naman. Dito ka na matulog ha?”

Tumango ako.

“Wala ka bang ipapa­plantsa, Gil?”

“Meron, Marami.”

Pumasok sa kuwarto si Gil at paglabas ay dala na ang ilang damit.

“Pakiplantsa lang ito Eloi,” sabi at lumabas na ng kuwarto patungo kay Matrona.

Nang makaalis ay sini­lip ko. Sa kuwarto nga ni Matrona nagtungo. May pag-uusapan na naman marahil at baka ako ang kanilang pag-uusapan. Humanda kayo mamaya sa gagawing kong ganti. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ELOI

GIL

MATRONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with