^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (27)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

"INAAYYY!"

Iyon ang nasabi ko nang bumukas ang pinto at mabilis na nakalapit sa kanya at yumapos nang mahigpit. Si Donna pala ay nasa likuran ko at nakiyakap din kay Inay. Nakikisimpatya sa nangyari.

"Anong nangyari?" tanong ni Inay na parang naguluhan sa bigla kong pagyakap at paghagulgol ng iyak.

"Inay, hinipuan ako ni Mang Angel! Nilamas ang boobs ko!"

"Ano?"

"Huling-huli ko siya, Inay! Hinipuan niya kanina habang natutulog ako. Bubuksan na nga niya ang shorts ko."

"Putang ina ka Angel! Ano itong ginawa mo sa anak ko?"

"Hoy Gracia huwag mo akong maputang-ina!" "Putang ina ka, hayop!"

"Mas hayop ka, nagbibilad ka nga ng tahong e dun sa Pureza. Kitang-kita ko nga ‘yang tahong mo!"

Hindi nakapagsalita si Inay. Tila nasukol sa sinabi ni Mang Angel.

Patuloy si Mang Angel sa pagsasalita. Parang babaing nagpuputak nang nagpuputak.

"Akala mo kung sino kang naniniwala agad sa anak e hindi naman totoo ang sinasabi niyan."

"Hinipuan mo ako! Nilamas mo ang boobs ko. Nang buksan ni Aling Maring ang ilaw, nakatabi sa akin."

"Sinungaling pa ang hinayupak na ito!"

"Hinupuan mo ako! Hinipuan mo akoooo!"

"Tumigil ka diyan at baka sapakin kita!
Doon na nagwala si Inay. Biglang may dinukot sa kanyang handbag. Isang lanseta. Umigkas ang talim at nakita ko ang kislap nang tamaan ng liwanag mula sa ilaw. Sinugod ni Inay si Mang Angel.

"Hayop ka!" sabay saksak kay Mang Angel. Kung hindi nakailag si Mang Angel, sapol sa tiyan.

"Putang ina ka!" sabi muli ni Inay at sinugod muli si Mang Angel.

Walang nagawa kundi tumakbo si Mang Angel palabas ng kuwarto. Takbuhin pala. Kung hindi siya nakatakbo palabas, maaaring nasaksak siya ni Inay.

Susundan pa sana ni Inay si Mang Angel pero nayakap namin siya ni Donna.

"Tama na po Inay! Inaayy!

Si Aling Maring nang balingan namin ay putlang-putla. Parang nalulon ang dila na hindi makapagsalita.

Itutuloy

vuukle comment

ALING MARING

ANGEL

ANO

HINIPUAN

HOY GRACIA

INAY

MANG

MANG ANGEL

PUTANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with