^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (6)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagtatago sa pangalang Che)

"SANA ay may anak din kami ni Angel para may kasama ako kapag may obertaym siya," sabi ni Aling Maring. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Iisa rin ang kama nila gaya ng sa amin.

"Ba’t wala po kayong anak, Aling Maring?" si Donna ang nagtanong. Nasa sulok kami ng kuwarto at nakaupo. Nakalatag sa inuupuan namin ang kumot.

"May problema ako rito," itinuro ang bahaging tiyan. "Sa matris..."

Napatangu-tango ako at si Donna.

"Siguro kung may anak kami baka kasing laki mo na Che..."

Ngumiti lamang ako.

"Dalagita na rin siguro tulad mo. Ilang taon ka na ba Che?"

"Siyam po."

"Malaking bulas ka talaga. Nireregla ka na ba?"

"Hindi pa po."

"Malapit ka nang reglahin n’yan."

"E ako po Aling Maring, rereglahin na rin?" tanong ni Donna.

Nagtawa si Aling Maring.

"Bata ka pa. Matagal ka pa bago reglahin."

Tama ang sabi ni Aling Maring na malapit na akong reglahin. Nang magsampung taong gulang ako eksakto ay niregla na. Natakot ako. Pero sabi ni Inay, normal lang iyon.

Itutuloy

vuukle comment

AKO

ALING MARING

BATA

BATAY

DALAGITA

IISA

ILANG

INAY

ITUTULOY

MALAKING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with