^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 118 labas

-
"Diring-diri talaga ako. Kapag natapos niya akong galawin ay nagpupunta ako sa banyo at naglilinis. Naliligo uli ako. Hindi talaga ako nasisiyahan kapag ginagalaw niya at ang pagpapakita ko ng pagkagusto roon ay pakitang tao lamang..."

Walanghiya! Itinigil ko ang pagbabasa sa sulat ni Nilda at binalikan ko sa isip ang mga sandaling "ginagalaw" ko siya. Akala ko’y totoo ang pagbibigay niya sa akin at kung minsa’y siya pa ang "nagtatrabaho". Magaling na magaling siya sa kama at maraming pagkakataong halos nalunod ako sa ligaya sa ginagawa niya. Tinalo pa niya ang mga magagaling na koboy. Iyon pala’y pakitang tao lamang at napaniwala ako na totoo ang nasa loob niya. Hindi pala nasisiyahan ang walanghiya sa ipinagkakaloob ko. Kaya pala pagkatapos naming "magniig" ay napapansin kong sagsag agad ito sa banyo at naghuhugas ng sarili. Iyon pala’y nandidiri sa akin.

"Ayaw ko na sa amoy lupa kung maaari. Hindi naman kaila sa inyo Mamang nang una akong galawin ng amo kong Intsik diyan. Gusto ko kayong sisihin kaya ako nagalaw ng Intsik na iyon na hikain pa. Kung hindi ako nagpaalila e hindi sana ako magagalaw. Diring-diri talaga ako kapag naaalala iyon. Kaya lamang ako nakatatagal kay Felino ay sapagkat nasusunod ko ang layaw sa kanya. Pero sa totoo lamang hindi ako nasisiyahan sa kanya sa pagdating sa kama. Hindi sapat ang alam niya..."

Walanghiyang babae! Nagsisisi ako kung bakit suntok at sampal lamang ang naibigay sa kanya. Hindi nasisiyahan sa akin kung kaya ang kapatid ang pinangahasan. Putang inang babae!

Sa sulat ay ilang beses na sinabi sa ina na sulatan ako nang sulatan sa Saudi at humingi sa akin ng pera. Sinusulsulan ang ina. Inulit pang huwag nang luluwas ng Maynila dahil magastos umano. Iyon sa pakiwari ko ay upang hindi mabisto ang kasalanang ginagawa nila ni Jeffrey.

Pagkaraan kong basahin ang sulat ay sinunog ko iyon.

Sa totoo lamang, matapos ang pangyayari ay nakadama ako ng pandidiri sa kuwartong pinangyarihan ng kasalanan. Minabuti kong sa sopa na lamang matulog. Kung maaari ay ayaw kong pumasok sa kuwarto sapagkat ang lagi kong naaalala ay ang tagpong mahalay nina Nilda at Jeffrey. Mga hayok sa laman na hindi na inisip na sila’y magkapatid. Talaga bang may ganoon na sa panahong ito na animo’y mga hayop na sa pagkasiba sa kamunduhan? Mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo at nakita ng aking mga mata. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

INTSIK

IYON

JEFFREY

KAYA

LAMANG

NILDA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with