^

Entertainment

‘Cave-padokya!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Cave-padokya!�
Weeks before we left for Israel and Turkey, usapan na namin na si Eileen and Jocas lang ang sasakay sa hot air balloon sa Cappadocia, ako hindi ... dahil kabadokya! Pero hindi ako tinantanan kumbinsihin nung dalawa and some other friends. When I finally agreed to ride, dehins pwede at cloudy! Mas malakas ang panalangin ko?

Sa bagong airport ng Istanbul paglakad mo,

Tanggap agad na maganda at malaki ito!

Domestic pa lang International ang luho!

Sa lawak mapapagod ka at mahihilo!

Kaya lang pagpasok mo sa bayan… old and new,

Nagsisimula nang sumikip at gumulo!

May tranvia sa gitna’t puro ulo ng tao!

Lahat klase ng tinda ay makikita mo!

‘Di mo malaman kung alin ang totoo!

May mga tatak kasi na tila imbento!

Meron pa ‘kong nakitang tunay ang tawa ko —

“Genuine Fake Watches” malaking letra nito!

Ngek! Mga brands na karaniwa’y Italyano,

Mapapaisip ka ba na sino ba ito?!

Biro pa ng tour guide abangan mo’t alisto —

“Calvin & Gabanna” ay baka makita mo!

May inihaw na kastanyas sa bawat kanto!

Katabi’y mais talo yung sa Ateneo!

Sapagkat dalawang klase’t kung ano gusto —

Nilaga o inihaw? Binatog lang lang-ku!

Pero marami silang mga “gay” foods dito —

Tulad ng napakatamis na baklava ‘no!

And of course yung paborito sa banda rito —

Hummus …dagdagan ng “sexual” nang ma-gets ninyo!

Ang Spice Market ay pinuntahan din ng grupo

But it seems mas marami pang may sugar dito!

May pa-taste at nagtatanong mga tindero,

“How can I get your money?” magalang na tono!

Nag-Bosphorus kami kaya alam na ninyo —

Asia and Europe dinaanan ko pareho!

Wari lang nagpapasyal sa Lago de Como,

Houses of the rich na nakatira sa … Pabo?

Habang nagkru-cruise nag-krus muli sa isip ko

Na sa tabi ng tubig katulad din nito

Eh marami ring nakatirang Pilipino,

Not yate nakalutang kundi taey! Oh no!

Oh yeah, the next day lumipad Kapadokya!

Less than an hour lang papuntang Cappadocia!

Nag-check in agad sa Sultan Cave Suites na … kweba!

Ang tawag nga dapat dito ay Cave-padokya!

Mga Fairy Chimneys ang tawag dito nila!

Ang hinala ko nga yung nasa Barcelona

Na Basilica of the Sagrada Familia

Ni Antoni Gaudi ito inspirasyon n’ya!

Ang lugar na ito ay sikat at kilala

Sa beautiful hot air balloons of Cappadocia!

Fairy Chimneys sa ibaba ang makikita!

Sakay ay dalawampu o labindalawa!

Aba ang layong ito’y aming dinayo pa!

Makasakay lamang sa hot air balloon nila!

Professional balloon pilots ang nagdadala!

Meron pa nga raw itong kursong kinukuha!

Pagpapalipad ay scientific kumbaga!

Pag maulap agad nilang kinakansela!

‘Yan ang gusto ko professional na talaga!

Sa three days namin dun puro ulap nakita!

Wahhhhh!!!

vuukle comment

CAVE-PADOKYA

GENUINE FAKE WATCHES

SULTAN CAVE SUITES

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with