^

PSN Opinyon

Misteryosa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPAKAMISTERYOSA naman ng mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Leal Guo. Lumutang ang kanyang pangalan matapos ang raid sa Baofu Corporation compound sa Anapul, Bamban, kung saan may operasyon ang mga POGO, partikular ang Hong Sheng Gaming Technology Incorporated at Zun Yuan Technology Incorporated.

Na-raid ang Hong Sheng noong Pebrero 2023 at ang Zu Yuan noong Marso 2024. Si Guo ay natuklasang may-ari ng 50 percent ng Baofu bukod sa pagiging incorporartor nito. Pero binenta raw niya lahat nang pumasok sa pulitika. Dito mas misteryosa siya.

Sa Bamban mismo, basta na lang daw lumutang ang pangalan ni Guo noong 2022 elections. Tila hindi siya kilala ng mga taga-Bamban. Tinanong siya sa Senado kung pa­ano niya napondohan ang kanyang kampanya. Tinulungan­ daw siya ng mga kaibigan, pati ng nakaraang admi­nistrasyon. Ayun. Malamang ito ang susi ng lahat.

Walang rekord si Guo ng kanyang pagsilang dahil sa bahay daw ipinanganak. Labimpitong taon na siya nang magparehistro ng birth certificate. Hindi raw niya alam kung bakit. Wala rin siyang pormal na edukasyon sa grade school at high school dahil sa bahay daw siya nag-aral, pero hindi naman mapangalanan ang homeschool provider.

Napakahirap paniwalaan lahat ng kanyang pahayag. Saan galing ang taong ito? Paano siya nanalo? Kung ang sinasabi ng mga taga-Bamban ay bigla na lang lumutang ang kanyang pangalan, binoto pa rin siya? O dahil may malakas na padrino na nasa likod ng lahat? Si Guo mismo ang nagsabing tinulungan siya ng nakaraang administrasyon. Nakaraang administrasyon, POGO, kuwestiyo­nableng mamamayan na naging mayor. Parang may sagot na kaagad diyan.

Dapat lang ipagpatuloy ng Senado ang imbestigasyon kay Guo. Nahuhuli na nga siyang nagsisinungaling sa ilang tanong. Hinihingi na ang kanyang statements of assets, liabilities, and net worth (SALN) at statement of contributions and expenditures (SOCE).

Pilipino nga ba si Guo? Ganito na ba kadali ang panli­linlang sa taumbayan? Higit 16,000 ang bumoto sa kanya noong 2022. Sila kaya ang magpaliwanag kung bakit nila binoto ang sinasabing lumutang na lang ang pangalan. Walang karanasan sa pulitika, basta binoto na lang?

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with