^

Police Metro

Lacson: Panukalang ‘coffee tax’, ‘anti-poor’!

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Sabado ang panukalang buwisan ang mga produktong kape, dahil lalo nitong pabibigatin ang buhay ng mga Pilipinong kape at pandesal lamang ang laman ng almusal.

Ayon kay Lacson, halos nagkakaisa ang kanyang mga kapwa senador sa pananaw na maaaring makadagdag sa pasanin ng mahihirap ang panukala, na natalakay sa isang pagdinig ng komite sa Kamara.

“Halos nagkakaisa ang sentimyento ng senador diyan na parang napaka-anti-poor kasi ang mga kababayan natin, lalo sa malayong lugar sa bukid, talagang halos ang iba kahit pandesal na lang ang kinakain,” aniya sa panayam ng DZRH radio.

“So para pang-almusal, para buwisan na pa natin ang kape, parang anti-poor,” dagdag niya.

Noong Disyembre 2025, inihain ni Lacson ang Senate Bill No. 1556 na naglalayong magtatag ng pambansang programa para sa pagpapaunlad ng industriya ng kape upang matulungan ang mga lokal na magkakape sa gitna ng pagdami ng inaangkat na kape at limitadong suporta mula sa pamahalaan.

Iminumungkahi rin ng panukalang batas ang paglikha ng Philippine Coffee Board at ang pagbibigay ng komprehensibong suporta sa sektor ng kape. Ini-refer ito sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.

Nabanggit ang mungkahing buwisan ang mga produktong kape sa isang pagdinig ng komite sa Kamara hinggil sa panukalang dagdagan ang buwis sa mga inuming tinatawag na alcohol pops.

PANFILO “PING” LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with