^

Police Metro

Student rider todas sa salpok ng kotse

Cristina Timbang - Pang-masa
Student rider todas sa salpok ng kotse
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-4:10 ng madaling-araw ay binabaybay ng Mitsubishi Mirage (NAU 3266) na minamaneho ng 21-anyos na si Luke ng Marikina City ang inner lane ng Imus Boulevard.
File/Philstar.com

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 26-anyos na lalaking college student nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang kotse sa kahabaan ng Imus Boulevard, Barangay Malagasang 1-G, Imus City, Cavite noong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si alyas “Mark”, binata at residente ng Hamilton Homes Subdivision, Barangay Bucandala III, Imus City.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-4:10 ng madaling-araw ay binabaybay ng Mitsubishi Mirage (NAU 3266) na minamaneho ng 21-anyos na si Luke ng Marikina City ang inner lane ng Imus Boulevard.

Nang lumiko ito pakaliwa patungo sa direksyon ng Malagasang Road ay nasalpok ang paparating na Yamaha Mio Aerox (304DXD) ni Mark.

Sa lakas ng pagkasalpok ay nawalan ng kontrol ang biktima na tumilapon, at dumausdos sa sementadong kalsada.

Agad sinugod ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) si Mark sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Nakatakdang kasuhan ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property si Luke.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with