^

Police Metro

Drug pusher dedo sa shootout

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang lalaki na umano ay notoryus na drug pusher nang ito nakipagbarilan sa mga pulis na magsasgawa ng search warrant operation sa kanyang bahay sa Purok-3, Brgy.Goma, Cawayan, Masbate kamakalawa.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Bords, 46, residente ng naturang lugar at itinuturing na high value individual.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout, alas-10:30 ng umaga ay bitbit ng mga otoridad ang search warrant mula sa korte para isilibi sa suspek.

Habang papalapit ang mga pulis ay mabilis kumaripas ang suspek patungo sa isang ginagawang bahay at pinutukan ang humahabol na operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa katawan na duguang bumulagta.

Agad itong isinugod sa Cawayan District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Itinuloy ng mga pulis ang paghahalughog sa bahay ng suspek at natagpuan ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 20-gramo at nagkakahalaga ng P136m000 at nabawi ang isang kalibre 45 baril at mga bala.

DRUG PUSHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with