Negros Occidental, pinangalanang top 2027 Asia destination
MANILA, Philippines — Ikinalugod ni Negros Occidental Third District Rep. Javier Miguel “Javi” L. Benitez ang pagkakasama sa Negros Occidental sa Condé Nast Traveler’s Best Places to Go in Asia in 2027.
Kinilala ni Benitez ang mahalagang ambag ng mga magsasaka, mangingisda, at slow-food community ng Negros matapos italaga ng Condé Nast Traveler ang lalawigan bilang nag-iisang destinasyon sa Pilipinas na napabilang sa listahan na inilabas noong Nobyembre 25.
“This recognition belongs to the farmers and fisherfolk of Slow Food Negros, and to every partner and sponsor who stood behind Terra Madre. We are especially grateful to Ramon “Chin Chin” Uy and Reena Gamboa for their leadership,” pahayag ni Benitez na tumatayong chairman ng House Special Committee on Creative Industries.
Pinili ng US-based travel magazine ang Negros Occidental dahil sa kultura nito ng mabagal ngunit tradisyonal na paghahanda ng pagkain, mga sangkap na bahagi ng pamana at tradisyon, at eco-friendly experiences.
Kasama ng Negros Occidental sa listahan ang Armenia; Bangkok, Thailand; Jaipur, India; Niigata, Japan; Penang, Malaysia; Phú Qu?c, Vietnam; at Shanghai at Yunnan sa China.
Kinilala ang lalawigan matapos ang pagbisita ng pangkat ng Condé Nast Traveler sa Negros, kung saan sila ay tinanggap at inimbitahang makibahagi sa Terra Madre Asia and Pacific, isang pistang nagtatampok sa kultura ng slow food na ginanap sa Bacolod City.
Binigyang-pansin din ni Benitez ang 7 hectares, isang palaisdaan sa E.B. Magalona na nasasakupan ng kanyang distrito at tampok sa magazine na pag-aari ng aquaculturist na si Francisco “Kiko” Torno.
- Latest


















