Ex-BARMM official Rimbang lumutang sa NBI
MANILA, Philippines – Lumutang kahapon ng umaga sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating BARMM parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang.
Kasunod ito ng inilabas na subpoena ng ahensya kay Rimbang bilang bahagi ng imbestigasyon nang iturong financier sa 521 kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyong shabu na nasabat sa Laos noong nakalipas na buwan na hinihinalang balak ipuslit papasok sa Pilipinas.
Iginiit ni Rimbang na kailanman ay hindi siya nasangkot sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga.
Si Rimbang ay isa 40 katao na pinadalhan ng summons ng mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na hindi pa niya sinipot, at sa halip ay sa NBI humarap.
Iniiugnay rin ang shipment ng ilegal na droga sa international syndicate na “Golden Triangle”.
- Latest














