Napolcom: Police Major, 7 pa sangkot sa kidnapping
MANILA, Philippines – Walong pulis kabilang ang isang police major ang umano ay sangkot sa kidnapping sa 2150 First Tondo Complex, Tondo, Maynila.
Kinilala ng National Police Commission (Napolcom) ang mga suspek na pulis na sina Police Major Jasper Benedict Santos; PSSg Raymond James Arcilla Magdangal; PMSg Junjay Jornala Tumbado; PMSg Franciz Nazareth Masangya Gabon; PCpl Crisanto Amor Lucas Quibuyen; Patrolmen Kenneth Roi Bendicio Tinio; Jaybee Ammogawen Sumalbag at PCMS Voltaire Yu Lazaro.
Nabatid na ang walo ay isinasangkot sa pagdukot kina Wang Chaoqun, 30, Chinese national, businesswoman; Marion Yco Emas, 39, Manager ng SKP Company; at Erwin Yco Wagan, 34, HR manager ng SKP Company.
Nagbayad si Wang ng P7,935,000.00 na ransom kapalit ng kanilang kalayaan.
Sinampahan na ng kasong kriminal na kidnapping and serious Illegal Detention ang mga pulis pero naabweslto si Santos dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Gayunman, nahaharap pa rin sa kasong Grave Misconduct and Conduct Unbecoming of a Police Officer sa Internal Affairs Service ang nasabing mga pulis.
- Latest














