^

Police Metro

Marcos nasa China para sa APEC meeting

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo sa tatlong araw na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting.

Sa departure statement ng pangulo sinabi nito na inimbetahan siya ni Chinese Presidente Xi Jinping para sa APEC meeting sa Shenzhen China mula Nobyembre 18-19.

Hindi aniya palalampasin ng Marcos Administration ang nakikitang paglago ng APEC Economies ngayong 2026 na nasa 3.7% na mas mabilis kumpara sa global economies. 

“We will engage China constructively on expanding trade, investment, and people-to-people exchanges that benefit our peoples, even as we remain steadfast in upholding our national interest. Our message is clear: the Philippines is open for business. Invest in the Filipino,” ayon kay Pangulong Marcos. 

Bitbit aniya ng dele­gasyon ng Pilipinas sa pakikibahagi ng bansa sa 2026 APEC Summit ang mga gains ng bansa tungo sa pag-abot ng pinakamalawak at pinaka-aktibong free trade network sa kasaysayan ng bansa. 

Sinabi ng Pangulo, ang prayoridad ng APEC Summit para sa taong ito na pagiging bukas, inobasyon, at pagkakaisa, na halos naka-linya sa national development agenda ng gobyerno. 

Gagamitin aniya ng Pilipinas ang APEC Summit, upang mapatatag pa ang mga trade ties nito, at makapanghikayat ng mas marami pang mamumuhunan sa bansa, na magdadala ng mga dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

APEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with