^

Police Metro

Operator ng modern jeep, ipinatawag sa ‘overcharging’

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatawag ng Land Transportation­ Franchising and Regulatory Board (LTFRB­) ang isa pang operator ng pampublikong sasakyan (PUV) dahil sa pagsasagawa umano ng overcharging sa mga pasahero sa Rizal.

Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB nang ang isang unit ng Easyway Transport Service and Multi-Purpose Coope­rative ay mag-viral sa video hinggil sa insi­dente ng overcharging na kinasasangkutan ng isa sa mga modern jeepney na kanilang pinatatakbo. 

Sinabi ni Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr. na ang video ay magsisilbing pangunahing ebidensya sa pagdinig para sa paglabag sa mga probisyon ng awtoridad na magpatakbo ng PUV, at idinagdag na ang video na nai-post sa social media ay isa nang matibay na patunay ng paglabag.

Sa nag-viral na video, makikitang pina­ngangatuwiranan ng driver ang ginawang paniningil sa lahat ng mga pasahero ng mas mataas na presyo kaysa sa itinakda ng LTFRB. Sinasabing sinisingil ng driver ng P25 ang bawat pasahero para sa tatlong kilometrong biyahe. Ang minimum na pamasahe para sa modern jeepney ay P17 lamang para sa unang apat na kilometro. Sinabi rin ng ilan sa mga pasahero na ang pamasaheng sinisingil sa kanila ay higit pa sa nararapat na singilin ng PUV.

 

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with