Deployment ng NCRPO balik normal, heightened alert nakataas pa rin
MANILA, Philippines — Nag-adjust na ng deployment ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista at commuter matapos ang 3-araw na special non-working holiday.
Ayon kay NCRPO Acting Regional Director
P/Brig. General Christopher Abrahano, inatasan niya ang mga police commander na palakasin ang police visibility at seguridad, lalo na sa mga pangunahing kalsada, transport terminal, at iba pang mataong lugar habang bumabalik sa normal ang mga aktibidad matapos ang pagho-host ng bansa sa 49th ASEAN Summit.
Pero nilinaw ni Abrahano na hindi pa tapos ang ASEAN security operations. Naka-heightened alert pa rin ang mga pulis para sa bilateral meeting nina United States President Donald Trump at President Ferdinand Marcos Jr., at sa mga posibleng kilos-protesta. Inutusan din niya ang mga commander na panatilihin ang seguridad sa mga kritikal na lugar, habang pinalalakas ang patrol at traffic assistance sa mga pangunahing kalsada at transport hub.
Pinayuhan ng NCRPO ang mga motorista at commuter na planuhin ang biyahe, sumunod sa traffic rules, at makinig sa mga police advisory.
- Latest














