^

Police Metro

3 malaysian arestado, 11 nasagip sa scam hub

Ludy Bermudo - Pang-masa

Pekeng FBI office nadiskubre ng NBI

MANILA, Philippines — Tatlong Malaysian national ang ina­resto habang nasa 11 katao na hinihinalang mga biktima ng human trafficking ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa hinihinalang online scam hub sa Barangay Victoria, Currimao, Ilocos Norte, iniulat nitong Miyerkules.

Isinagawa ang operas­yon noong Nobyembre 14, 2026 ng NBI-Pampanga District Office (NBI-PAMDO), katuwang ang NBI-

Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO), NBI-Laoag District Office (NBI-LADO), at Philippine Air Force (PAF) kasunod ng paghingi ng saklolo ng isang babae.

Sa reklamo, pumasok siya bilang virtual assistant noong Nobyembre 7, at doon ay ikinulong siya at pinilit na gumawa ng online scam, ng tatlong Malaysian.

Sa operasyon, 10 pang manggagawa ang lumapit sa mga operatiba ng NBI at humingi ng tulong at proteksyon, kaya umabot sa 11 ang kabuuang nasagip.

Narekober ng mga imbestigador ang mga computer, tablet, cellphone, scam script, at iba pang materyales na pinaniniwalaang ginamit sa ilegal na operasyon.

Nasorpresa rin ang mga operatiba nang bumungad sa isang silid sa ikalawang palapag ang isang opisina na may bandila ng Estados Unidos at logo na United States Federal Bureau of Investigation (FBI). Mayroon itong FBI-branded jackets, caps, badges, identification cards.

Naniniwala ang NBI na nagpapanggap ang mga operator bilang mga American law enforcement sa scam hub para makapambiktima.

SCAM HUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with