^

Police Metro

Trak bumaliktad: 4 katao todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang apat katao habang marami ang nasugatan nang bumaliktad sa kalsada ang sinasakyan nilang trak sa kahabaan ng national road, Brgy. Tubod, Silago, Southern Leyte noong Sabado.

Ang mga nasawi ay kinilala sa pangalan lamang ng mga itong Manny, 39-anyos ng Abuyog, Leyte; live-in partner nitong si Mary, 25; Sally, 45, brgy. Official; at Charry, 45; ­pawang taga-Brgy. Maitum ng nasabing bayan. Ang mga nasugatan ay isinugod sa Abuyog District Hospital.

Sa report ng ­pulisya, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver na si Manny sa minamaneho nitong kulay pulang Isuzu Elf truck habang pababa sa pakurbadang parte ng nasabing highway dahilan para ito ay bumaligtad na agad ikinasawi ng apat at ikinasugat ng iba pa.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang kasong ito.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with