^

Police Metro

Pro-Duterte vlogger utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang kilalang pro-Duterte vlogger ang namatay noon din nang  pagbabarilin habang nagmamaneho ng sasakyan sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur, kamakalawa ng umaga.

Ang nasawing biktima ay kilalang si Philip Engbino, 48, tubong Minglanilla, Cebu, manager ng EZMMI GenCon, contractor ng Strong Group Mining Corp. (SMGC).

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 13, nangyari ang insidente, alas-6:00 ng umaga sa nasabing lugar ay nagmamaneho ang biktima ng isang kulay puting pickup truck na pag-aari ng SGMC nang pagbabarilin ito ng mga armadong salarin sa bahagi ng national highway ng Brgy. Bacolod ng bayang ito.

Ayon sa imbestigas­yon, pagsapit sa lugar ay ­pinaulanan ng bala ng mga armadong salarin ang behikulo ng biktima at nang matiyak na patay na ito nagsitakas ang mga suspect.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agaran nitong ikinasawi.

Nabatid na ang biktima ay isang aktibong social media vlogger na masu­gid na supporter ni dating ­Pangulong Rodrigo Duterte.

 Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang kasong ito kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo sa motibo ng krimen ay ang sigalot sa kumpanya ng biktima kung saan maraming manggagawa ang tinanggal sa trabaho, binawasan ng benepisyo.

Idinagdag pa dito ang anggulo ng pulitika sa ma­tindi nitong mga pagbira sa kaniyang mga komento sa kaniyang vlog.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with