DILG: Foreign travel request ng LGUs, pinadali
MANILA, Philippines — Pinadali at pinasimple ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-apruba sa foreign? travel requests ng mga local government officials at mga empleyado ng mga lokal na pamahalaan (LGU)sa bisa ng Administrative Order No. 47, Series of 2026 at bagong patakaran nito DILG Circular No. 2026-017.
Maaari nang magtalaga ang DILG Secretary ng mga otorisadong kinatawan o opisyal (tulad ng DILG Regional Directors) para mag-apruba ng ilang partikular na biyahe. Nananatili sa DILG Secretary ang pag-apruba para sa mga gobernador ng probinsya, alkalde ng highly urbanized cities, independent component cities, at ang munisipal na alkalde ng Pateros, pati na rin sa mga biyaheng lalagpas ng tatlong buwan o sa panahon ng krisis/emergency.
Ang mga opisyal na opisyal na biyahe na tatlong buwan o mas maikli (labas sa emergency) at ang mga appointive local employees ay sa DILG Regional Directors na dadaan ang pag-apruba.
Ang mga aplikasyon ay patuloy na isinusumite nang elektronikong gamit ang DILG FTA Online System para sa mas mabilis na transaksyon.
- Latest



















