^

Police Metro

Pinsala sa Habagat,umabot na sa P8.48 bilyon - OCD

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalo na sa kabuuang P8.48 bilyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng matinding mga pag-ulan na dala ng southwest monsoon rains o habagat.

Sa ulat kahapon ni Office of Civil Defense (OCD) Disaster Prepa­redness Service Director Vicente Gregorio Tomas na kabilang dito ay P6.16 bilyon sa imprastraktura at P 2.32 bilyon naman sa agrikultura.

Ayon kay Tomas, tumaas na rin ang bilang ng binahang mga lugar na nadagdagan pa ng 100 o kabuuan na ngayong 724 lugar mula sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON.

Anya, ang Central Luzon ang pinakamatin­ding nasalanta ng pagbaha kabilang ang 561 lugar sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Nasa karagdagan namang 122 lugar sa ­Pangasinan, 24 sa Laguna at 11 sa mga lungsod ng Muntinlupa at Valenzuela ang may mga naitalang pagbaha.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with