Duterte, hirap sumabak sa ICC trial dahil sa memorya - abogado
MANILA, Philippines — Muling idiniin ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang umano’y “cognitive impairment” at problema sa memorya bago ang nakatakdang pagsisimula ng kanyang paglilitis sa International Criminal Court (ICC) sa Nobyembre 30, 2026.
Muling inilabas ng depensa ang isyu ng “cognitive impairment” ni Duterte bago ang paglilitis.
Sa mga naunang pagsusumite, sinabi ng abogado niyang si Peter Haynes na may “significant memory impairment” ang dating pangulo na pumipigil sa pagpapanatili ng bagong impormasyon at pagbibigay ng malinaw na tagubilin sa kanyang mga abogado—minsan pa nga ay hindi umano nito natatandaan ang pangalan ng kanyang lead counsel.
Binanggit din sa mga ulat na nahihirapan siyang makaalala ng mga pangyayari, lugar, at mga kaanak.
Tinutulan ng ICC prosecution at ng Common Legal Representatives of the Victims (CLRV) ang mga pahayag na ito at iginiit nila na walang nakitang ebidensya nang paglala ng cognitive decline mula sa pre-trial assessments ang panel ng mga eksperto at iniugnay ang mababang resulta ng pagsusulit sa test underperformance.
Naninindigan ang prosekusyon na kaya pa ring gamitin ni Duterte ang kanyang mga karapatan sa patas na paglilitis at fit siya para sa paglilitis
- Latest














