JC, tuhog ang trabaho

Maituturing na isa ngayon sa busiest actors in town si JC Santos dahil apat na magkakaibang mga proyekto ang magkakasunod na palabas ngayong Disyembre with Romano, isang true-to-life biopic on the abducted Redemptorist priest at human rights activist na si Fr. Rudy Romano na pinagbibidahan mismo ni JC playing the title role.
Si Fr. Rudy Romano ay in-abduct in broad daylight sa downtown Cebu nung 1985 at hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman kung ito’y buhay pa o matagal nang patay.
Bukod kay JC, tampok din sa Romano na pinamahalaan ni JL Burgos sina Albert Martinez, Cris Villanueva, Juan Rodrigo, Ketchup Eusebio at Allan Paule produced ng Redemptio Studio at nakatakdang ipalabas sa Dec. 16, 2026.
Mapapanood din si JC sa Part 2 ng Miracle in Cell No. 7, ang second part ng Philippine adaptation ng hit Korean movie of same title na unang ipinalabas sa Pilipinas sa Metro Manila Film Festival 2019 at siyang nanguna sa takilya. Ito’y bukod sa isang serye on Netflix at isa pang proyekto.
Bukod sa pagiging isang mahusay na singer at actor ay isa ring mahusay na dancer si JC na sabay-sabay niyang ipinamamalas sa teatro.
Ang talentong ito ay nagamit din niya sa kanyang dalawang taon sa Universal Studios – Singapore at dalawang taon sa Hong Kong Disneyland.
Nang makaipon siya ng sapat na pera ay nagtungo siya ng New York for six months para mag-aral at subukan ang Broadway at pagkatapos nito ay muli siyang bumalik ng Pilipinas para subukan naman ang acting sa telebisyon at pelikula.
Naging prominente ang exposure ni JC sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin nung 2016 maging ang appearance niya sa Til I Met You TV series na pinagbidahan ng dating magka-loveteam at magkasintahang James Reid at Nadine Lustre at magmula noon ay naging sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.
Ang Viva ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong makatrabaho si Bela Padilla at hindi naglaon ay naging successful silang magkatambal sa ilang hit movies tulad ng 100 Tula Para Kay Stella, On Vodka, Beers and Regrets, 366 na si Bela rin ang writer-director at producer maging ang kanilang reunion movie with Direk Jason Paul Laxamana, ang 100 Awit Para kay Stella.
JC is now happily married sa kanyang high school classmate na nang-basted sa kanya na si Shyleena Herrera at meron na silang isang seven-year-old daughter na si River (girl) na matatawag na Daddy’s girl at carbon copy mismo ni JC.
Abangan ang aming exclusive interview kay JC sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
- Latest





















