^

PSN Showbiz

Cesca, uod at bato ang inspirasyon sa kanta

Pilipino Star Ngayon
Cesca, uod at bato ang inspirasyon sa kanta
Cesca

MANILA, Philippines — Mamahalin mo pa rin ba ang isang tao kung maging uod o bato siya?

Ginawang inspirasyon ng Kapamilya singer-songwriter na si Cesca ang ganitong nakakaaliw na tanong sa kanyang bagong single na if i was a worm/kung ako’y naging bato.

Hango ang indie-pop track sa mga kwelang what-if questions na madalas itanong ng magkasintahan sa isa’t isa, na sa kabila ng pagi­ging biro ay nagpapakita ng lalim ng kanilang pagmamahalan. Isinulat at inareglo ni Cesca ang awitin kasama si Nhiko Sabiniano ng Nameless Kids.

Ang if i was a worm/kung ako’y naging bato ang unang single ni Cesca na inilabas sa ilalim ng Tarsier Records. Sinundan nito ang mga nauna niyang awitin ngayong taon na Lovesick (Mas Pinasakit) at I’m Nilalamig.

Inilunsad ni Cesca ang debut EP na Travel noong 2022, tampok ang mga awiting Lovesick - Pagmahalasakit at Pambihirang Harana. Umani ito ng mahigit 21 million streams sa Spotify at nakakuha ng nominasyon para sa Best Traditional/Contemporary Folk Recording sa 36th Awit Awards.

Kasunod nito, inilabas niya ang unang full-length album na Balse ng Gabi, tampok ang collaboration nila ni Maki sa title track. Nakasama niya rin sina Belle Mariano at Trisha Denise sa single na Wala? Nandiyan at Nameless Kids sa awiting mental. Bukod sa sariling musika, nagsulat din si Cesca ng mga kanta para sa ibang artists, kabilang ang Somber ni Belle Mariano.

Conrad Manila, bubuksan ang kauna-unahang luxury rooftop events venue

Ang SM Hotels and Convention Centers (SMHCC), ang sangay ng SM Prime Holdings, Inc. (SM Prime) na nakatuon sa industriya ng hospitality, ay nagpapalawak ng portfolio nito sa larangan ng meetings, incentives, conventions at exhibitions (MICE) sa SM Mall of Asia (MOA) Complex sa pamamagitan ng paglulunsad ng Dewey sa Conrad Manila, ang kauna-unahang eksklusibong luxury rooftop events venue sa complex.

Nagdaragdag ang bagong venue ng mas pribado at eksklusibong pagpipilian sa patuloy na lumalawak na koleksiyon ng mga pasilidad para sa mga event sa MOA Complex na angkop sa private celebrations, corporate gatherings at iba pang espesyal na okasyon.

Hango ang pangalang Dewey kay Admiral George Dewey, isang kila­lang personalidad sa kasaysayan na pinagmulan din ng dating pangalan ng Dewey Boulevard, na kilala ngayon bilang Roxas Boulevard sa kahabaan ng Manila Bay. Isa itong makasaysayang lansangan sa baybayin ng Maynila. Tag­lay ang panoramic views ng Manila Bay at ng skyline ng lungsod, nag-aalok ang rooftop venue ng kakaibang alternatibo sa mga tradisyonal na ballroom ng Conrad Manila.

Kayang tumanggap ng Dewey ng hanggang 170 bisita sa pamamagitan ng mga flexible indoor at alfresco space, na mainam sa sunset weddings, cocktail receptions, private dinners, milestone celebrations at exclusive corporate events.

Mayroon itong private elevator na nagbibigay ng direkta at pribadong access sa venue, habang nag-aalok naman ang helipad ng exclusive arrival option sa pagdating ng mga bisita.

Binibigyang-diin nito ang contemporary design ang simple ngunit ele­gante nitong istilo, na nagbibigay-daan upang gawing personalized ang lugar ayon sa iba’t ibang okasyon. Nakikinabang din ang mga bisita sa signature hospitality ng Conrad Manila, kabilang ang mga espesyal na inihandang dining experience at attentive service.

Ang pagbubukas nito ay karagdagang pagpapalakas sa matatag nang hanay ng mga pasilidad ng SMHCC para sa MICE sa loob ng MOA Complex.

May tatlong ballroom ang Conrad Manila, habang nagtatampok naman ang Lanson Place Mall of Asia ng Grand Saffron Ballroom.

Para sa mas malalaking convention, exhibition, at corporate event, matatagpuan din sa complex ang SMX Convention Center Manila, habang nakatakda namang magbukas ang SMXCite sa 2027.

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with