^

PSN Showbiz

Zaijian, napapagkamalan pa ring bata!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Zaijian, napapagkamalan pa ring bata!
Zaijian Jaranilla at Gela Atayde

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang fans ng dating child star na si Zaijian Jaranilla na binata na ito sa edad na 25 at may girlfriend na, ang dancer-turned actress na si Gela Atayde, pangatlong anak ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde – nakababatang kapatid nina Arjo Atayde at Ria Atayde-Marudo.

 At 25, bagets pa ring tingnan ang young actor na tanggap ng Atayde family for Gela (24).

ANAK NILA ZANJOE, MAY FACE REVEAL NA

Magmula nang ipanganak ang first child ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde-Marudo na si Sabino nung September 2024 ay never pang ibinahagi ng mag-asawa ang mukha nito. Pero lately ay nagbahagi ng litrato si Zanjoe ng kanilang anak na nakasakay sa passenger seat ng kanilang sasakyan pero nakatingin sa labas ng bintana. Kahit papaano ay makikita na rin ang features ng bata although hindi ito frontal shot.

Although may sariling rason si Zanjoe na itago ang mukha ng kanilang anak ni Ria, pasasaan ba’t ipapakita rin ng mag-asawa sa publiko ang kanilang panganay na magiging kuya na dahil ipinagbubuntis ngayon ni Ria ang kanilang magiging second baby.

Alecca Adarna, game sa hubaran

Inglesera ang bagong VMX star na si Alecca Adarna (no relation sa actress at ex-wife ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna) na nagmula rin sa Cebu.

Although nagsimula si Alecca sa paggawa ng wholesome project sa Viva One sa pamamagitan ng series na Avenues of the Diamond, ang next project niya sa Viva ay isa nang sexy movie sa VMX, Bida Max na pagsasamahan nila ni Shiena Yu at pinamahalaan ni Christian Paolo Lat.

Bago ang pag-aartista ni Alecca ay isa siyang pole dancer, painter at entrepreneur at licensed acupuncturist at hindi magugutom kung hindi siya nagpaseksi. Pero sadyang gusto niyang pasukin ang masalimuot na mundo ng showbiz laluna sa larangan ng pagpapaseksi na ini-enjoy umano niyang gawin lalupa’t meron naman siyang ipapakita hindi lamang ang kanyang seksing katawan kundi maging sa larangan ng acting na matagal umano niyang pinangarap.

Humarap si Alecca na mag-isa sa entertainment media and vloggers para sa kanyang unang pagsubok sa pagpapaseksi na gusto niyang ipagpatuloy hanggang sa panahong puwede na muli siyang bumalik sa paggawa ng wholesome projects.

Gina, ‘di pinababayaan ni Coco

Masaya ang veteran award-winning actress na si Gina Pareño na muli siyang tinulungan ni Coco Martin na makabalik sa acting sa pamamagitan ng Sigabo, ang action-drama series na pinagbibidahan mismo ng actor na kung saan ay isa siya sa mga tumatayong director, creative director at co-producer.

Si Gina ay isinama rin noong 2016 ni Coco sa top-rating and longest-running action-drama series nitong FPJ’s Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon.

Sina Gina at Coco ay unang nagkasama sa indie movie na Serbis nung 2008 na pinamahalaan ni Brillante Mendoza at nakapagbigay ng international acting awards para sa 78-year-old veteran actress na isa ring TikToker with 1.7 million followers.

 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with