^

PSN Showbiz

Inigo at Bini Mikha, may chemistry!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Inigo at Bini Mikha, may chemistry!
Inigo Pascual at Mikha
STAR/ File

Nagbabalik si Inigo Pascual sa Star Music sa pamamagitan ng bago niyang single na Pagdating ng Panahon, isang self-written song na nagsisilbing comeback at mas malalim na pagpapatuloy ng kuwentong sinimulan niya sa Ikaw at Ikaw.

Sa isang media conference, ibinahagi ni Inigo na sinimulan niyang isulat ang kanta habang ginagawa ang bago niyang album, kahit na may ilang kanta na mula sa ibang songwriters ang naaprubahan na.

“For me, the process for Pagdating ng Panahon, it was just kind of like a leak for Ikaw at Ikaw. It was like a continuation of my thought from ‘Ikaw at Ikaw,’” sey niya.

Ang kanyang upcoming album ay sumisimbolo sa kanyang artistic growth and a return to the sound na unang nagustuhan sa kanya ng listeners.

“It still has that pinch of Dahil Sa’yo, but it’s way more malalim,” sey ni Inigo na ang music video ay ididirek ng kanyang amang si Piolo Pascual na number 1 fan niya.

Si Mikha Lim of BINI ang kasama ni Inigo sa music video at may natural chemistry sila as friends. “It was so natural. I feel like kasi we have a natural banter with each other. I told him I was like ‘Okay go lang, kunin mo rest day ko.’ Isang araw lang naman eh. Tsaka, he’s one of my good friends… I’m flattered kasi syempre he chose me,” sey ni Mikha.

Papa Dudut, ayaw magmagaling!

Marami ang bilib sa host ng radio program at podcast na Barangay Love Stories na si Papa Dudut dahil sa galing niya sa pagbibigay ng payo.

Sinabi ni Papa Dudut na hindi naman siya magmamaga­ling at sasabihing kaya niyang sagutin ang lahat ng katanungan ng kanyang listeners. Hindi rin siya laging nakakapagbigay ng payo sa letter senders.

“Wala kasing perfect advice. Ang masasabi ko lang, mas maganda na maramdaman ng listeners ko na nakikinig ako sa kuwento nila. Madalas kasi, ang iniisip ng ibang mga nasa posisyon ko, kung ang trabaho n’yo is to give advice, e kailangan meron akong perfect advice. Hindi, eh.

“At the end of the day, kailangan mas maramdaman nila na may isang tao na handang makinig sa mga problema nila. And I think na-deliver ko ‘yun.”

INIGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with