Lapillus Chanty, NBSB!

Inilarawan ni Chanty Videla kung anong klaseng lalaki si Anton Vinzon. Magkatambal ngayon ang dalawa sa GMA Afternoon Prime series na Kamao.
“I can see sa time namin we spent together sa taping and sa bonding moments namin, he’s very humble and very courageous and brave. In some way very family-oriented siya, very loving. Kung ihahalintulad ko siya sa isang national hero, I can say si Andres Bonifacio, na matapang siya,” nakangiting bungad sa amin ni Chanty sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa edad na dalawampu’t tatlong taong gulang ay hindi pa naranasan ng aktres na magkaroon ng kasintahan. Aminado si Chanty na matangkad ang tipo ng kanyang nagugustuhan. 6’ 1” ang height ni Anton kaya possible talagang maibigan ng dalaga. “I have a thing with height kasi matangkad po ako, 5’ 7” po. ‘Yon po ‘yung nagustuhan ko sa kanya, ‘yung height niya,” pagtatapat ng Kapuso actress.
Unang nagkakilala sina Chanty at Anton sa seryeng Maka noong 2024. Hindi raw naging malapit sa isa’t isa noon at ngayon lamang nagkapalagayan ng loob sa seryeng Kamao.“Mas nakilala ko po kasi siya sa Maka. Mahiyain po siya. Never ko siyang nakausap nang maayos sa Maka. Makulit po siya sa iba. Hindi ko po nakausap, laging sa group setting,” kwento ng dalaga.
Nabuo ang tambalang ChanTon sa Kamao na pinagbibidahan ng aktor. Lubos ang pasasalamat ni Chanty sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan ng Kapuso actor. “Sobra po naming naa-appreciate ‘yon. Ang dami po naming nakikitang fan edits. Sobra siyang nagte-trending din. And we appreciate it a lot. Super grateful po kasi it’s a really good way to promote our show and everything,” giit niya.
Ano nga ba ang mga katangian ng isang lalaki ang hinahanap ni Chanty upang kanyang maging nobyo? “Height of course, looks-wise basta bet ko lang ‘yung face okay na ako. Wala sa akin ‘yung chinito or moreno or whatever. Basta I like him as a person okay na ‘yon. Someone that loves me enough to be a better person. Di ba if you love someone you want to be a better person for them. It can be for your parents or for anyone,” pagbabahagi ni Chanty.
May tsansa kayang makapasa si Anton kung sakaling ligawan si Chanty ngayon? “Right now, hypothetically of course, no. But if my parents will give me the blessing, why not? Yes,” pagtatapat ng dalaga.
Samantala, unang nakilala si Chanty bilang isa sa mga miyembro ng K-Pop group na Lapillus. Hinahanap-hanap ng dalaga kung paano ang kanyang naging buhay sa Korea ilang taon na ang nakalilipas. “I miss the lifestyle that I had there. And the members of course saka ‘yung mga schedule namin as a K-Pop group and everything. Pero I’m learning now po to be appreciative and grateful with what I currently have. Kasi isa rin naman ‘to sa pinag-pray ko na to be able to work and earn for my family. Happy naman po ako with everything that I have with how everything is going,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC
- Latest




















