Malalaking OPM artists, bumida sa Ginuman X

Binago ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang World Gin Day mula Luzon hanggang Visayas at Mindanao tungo sa isang buwang pagdiriwang sa pamamagitan ng Ginuman X— kung saan nagsama-sama ang music, cocktails, community and Pinoy camaraderie.
Itinampok sa bawat lugar ang iba’t ibang live performances mula sa ilan sa mga pinakamalalaking OPM artists ngayon, kabilang sina Al James, Allmost, Because, P.O.T., Banda ni Kleggy, 6cyclemind, Chocolate Factory, Cookies at Oh! Caraga, kasama ang mga mahuhusay na local performers.
Kaya naman sobrang saya ng mga dumalo sa festival sa mga interactive na demonstrasyon ng cocktail, mga laro, mga premyo sa raffle, mga eksklusibong merchandise, at mga nakakaengganyong aktibidad ng brand na naghikayat sa pakikilahok habang ipinapakita ang versatility ng mga produkto ng Ginebra sa modernong kultura ng cocktail.
Naganap ito last June across four major locations—RSA Sports Complex sa Balayan, Batangas; Talisay City, Cebu; Robinsons Antipolo; at Pueblo de Oro sa Cagayan de Oro—minarkahan ng Ginuman X ang pinakabagong ebolusyon ng iconic na Ginumanfest na naglalapit sa pagdiriwang ng World Gin Day sa mas maraming mamimili sa buong bansa.
Higit pa sa concert series, ipinakita ng Ginuman X kung paanong patuloy na umuunlad ang gin kasama ng henerasyon ng mga mamimili ngayon habang nananatiling malalim ang pagkakaugat sa kulturang Pilipino.
“Gin is the only liquor with botanicals highlighting the juniper berry. Brandy, rum and other liquors do not have botanicals, hence gin is unique in both ingredients and flavor,” said Ron Molina, GSMI Marketing Manager, kung saan naging bahagi na ito ng hindi mabilang na mga pagdiriwang, reunion, milestone at mga simpleng sandali na ibinahagi kasama ang pamilya at mga kaibigan mula Gen Z, Millennials etc. “Through Ginuman X, we created a more immersive experience that celebrates not only the versatility and quality of gin, but also the spirit of togetherness that has always defined the Ginebra brand. It is our way of showing that gin continues to bring people together across generations,” dagdag pa niya.
Base sa mahigit isang dekadang pagdiriwang ng World Gin Day, ang Ginuman X ay kumakatawan sa pinakabagong kabanata sa patuloy na pagsisikap ng GSMI na mapataas ang pagpapahalaga sa gin sa bansa. Simula nang ipakilala ang unang pagdiriwang nito noong 2014 sa ika-180 anibersaryo ng flagship brand na Ginebra San Miguel, patuloy na pinalawak ng GSMI ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga makabagong karanasan ng mga mamimili, kabilang ang One Ginebra Nation Tour, ang kampanyang “Gin Is In,” at ang “Your World of Gin Experience” noong nakaraang taon.
Ang “X” sa Ginuman X ay nangangahulugang “eKARANASAN, eKSTROORDINARYO at eKASIKAT”—tatlong elemento ang nagbigay-kahulugan sa bawat hintuan ng pambansang pagdiriwang.
- Latest





















