^

PSN Showbiz

Martin, manhid na sa kanyang seksuwalidad

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Martin, manhid na sa kanyang seksuwalidad
Martin del Rosario
STAR / File

Simula Aug. 6 ay mapapanood na sa piling Ayala Cinemas ang Tayo Lang Ang Nakakaalam na pinagbibidahan ni Martin del Rosario.

Bahagi ang naturang LGBTQ+-themed film sa gaganaping Cinemalaya Film Festival 2026. Kahit ilang beses nang nakagawa ay hindi umano natatakot si Martin na malinya sa pagganap ng gay characters. “Hindi ako natatakot kasi no’ng bago pa lang ako (sa show business) until now, gumagawa ako ng gay roles. As long as maganda ‘yung story. Ikagaganda ito ng career ko and I see to it, bawat gay role na ginagawa ko iba naman eh. Hindi ka mata-typecast as long as iba-iba ‘yung binibigay mo. Dito sa Tayo Lang Ang Nakakaalam, ibang-iba siya like Panti Sisters (2029), Born Beautiful (2019). Si Neil, ‘yung character ko dito, hindi siya kasing open ng ibang gay roles na ginawa ko. Sobrang restrained siya, hindi niya pinapakita ‘yung emotions niya, tinatago niya lahat,” paliwanag sa amin ni Martin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nakasungkit na ng ilang acting awards ang aktor para sa mga pelikulang nagawa. Mahalaga para kay Martin na napapansin ng mga kritiko ang kanyang mga ginagawang mabuti sa industriya. “Siguro ‘yung validation na nasa tamang track pala ako. Kasi may mga times na kukuwestiyunin mo, ‘Tama pa ba ‘yung ginagawa ko?’ Lalo na no’ng nagsisimula ako. Hindi ko pa mahanap ‘yung place ko sa showbiz. Hindi ko alam ‘yung strengths ko, basta alam ko mahal ko ‘yung acting. ‘Yung moment na may validation, na-recognize ako for my performance, parang mas na-inspire akong gawin at mahalin ‘yung ginagawa ko,” paglalahad ng aktor.

Simula nang maging artista ay palaging may kumukuwestiyon sa seksuwalidad ni Martin. Ayon sa binata ay naging manhid na lamang siya sa ganitong usapin. “Wala, kahit nga imbestigahan pa nila ako. Kasi simula no’ng pumasok ako sa showbiz 16 years ago, hanggang ngayon may gano’n. Parang manhid ka na, I don’t care,” giit niya

Marami nang nagawang maseselang eksena ang aktor sa entablado at mga pelikula. Para kay Martin ay mahalaga ang pagkakaroon ng intimacy coordinator sa bawat proyekto upang magawa nang maayos ang sexy scenes. “Mahalaga na meron tayong intimacy coordinator. Ang exercises namin dito is aalamin namin ano ‘yung pwedeng hawakan sa amin. Saan pwedeng mag-touch sa anong body part. Para pagdating sa shoot alam namin ano ‘yung disrespectful. Alam namin kung ano ‘yung pwede, alam namin ano ‘yung hindi. Minsan kapag rehearsal gusto ko medyo nakahubad na. Kasi ayaw ko maapektuhan ‘yung take eh,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, kamakailan ay nag-post si Martin del Rosario sa kanyang Instagram Story ng isang panawagan para sa ama.

Naghanap ang aktor ng blood donors dahil sumailalim ang ama sa triple bypass surgery. “Nasa ICU pa rin ‘yung dad ko kasi kailangan ko ng 16 bags ng blood. Nanghiram lang kami ng blood sa Heart Center. Nag-undergo siya ng quintuple bypass. Ngayon okay na siya, safe na siya sa ICU. Thank you sa mga doctors niya. So now need pa namin ng 10 (bags), naka-six pa lang eh. Pwede kayo mag-donate sa Heart Center. May screening lang, sobrang malaking tulong na ‘yan for us kapag nag-donate kayo ng blood. Sa lifesavers ng dad ko, doctors, thank you very much. Kasi fatal ‘yon eh, ‘yung limang bara (sa puso). Usually, ‘yung tatlong bara is nakakamatay. But ‘yung lima, nakuha namin nang maaga ‘yung sa dad namin,” pagdedetalye ni Martin. (Reports from JCC)

MARTIN DEL ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with