Sam, nag-sorry kay Kyline

Oktubre noong isang taon nang opisyal na nagkahiwalay sina Sam Verzosa at Rhian Ramos.
Umabot ng apat na taon ang relasyon ng dating magkasintahan. Wala nang komunikasyon sa pagitan nina Sam at Rhian ngayon.
May bulung-bulungan na mayroon nang espesyal na namamagitan kina Sam at Kyline Alcantara. “Wala po, Tito Boy. Manila’s so small. There are certain events. May picture lang diyan, social media, they will speculate, tsismis. It’s very unfair for them. Kaya ako, when I saw Kyline after makita ko ‘yung mga social media posts, mga fake news, sabi ko, ‘I’m sorry Ky ah,’ Sabi niya, ‘Hindi, wala ‘yon.’
“Mabuting tao si Kyline and it’s very unfair for her. Kung sino man ang dini-date niya, it’s very unfair. So sabi ko, I’m really sorry,” pagbabahagi sa amin ni Sam sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bukod kay Kyline ay nauugnay rin kay Sam ngayon ang isa pang aktres na si Faith da Silva. Ayon naman sa binata ay talagang kaibigan lamang din niya si Faith. “May mga lumabas din sa internet kasi nga may mga pictures na naman, we’re just friends talaga, no showbiz, hindi ito showbiz, pero kaibigan lang eh. I mean, I respect her, and if anything, Tito Boy, magka-girlfriend, if I’m dating, people will know,” giit ng binata.
Mahigit limang taon nang magkakilala sina Faith at Sam. Nagsilbi pa umanong mentor ang negosyante sa aktres noon. “Actually, may pagka-mentor ang dating. Kasi sabi niya, ‘Uy! Sam, alam mo ba ‘yung tinuro mo sa akin five years ago, about manifesting, every morning I did that.’ And now, it all happened to her. Kaya nga sabi ko, ‘I’m so proud of you,’” kwento ng negosyante.
Atasha, kinabahan!
Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Atasha Muhlach nang mapili upang maging bida sa Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.
Puspusang paghahanda raw ang ginawa ng dalaga bago sumabak sa audition para sa naturang proyekto. “Grabe ang kaba ko sa audition process. There was so much preparation leading up to it. I was very nervous but siyempre naman sobrang excited when director Chris Millado said, ‘Are your free tomorrow for callbacks?’ Everything kind of sinks in and it was that feeling of, ‘Hey! We made it. We’re here, and we’re doing this now,’” nakangiting pahayag ni Atasha sa video ng production team.
Umaasa ang aktres at TV host na maraming matututunan mula sa mga bagong katrabaho sa entablado. Kabilang din sa naturang musical play sina Sam Concepcion, KD Estrada at ang Sparkle artists na sina Jeff Moses at Anthony Rosaldo. Mapapanood ang Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical sa Newport Performing Arts Theater ngayong Setyembre. “I’m entering a new family. Everyone has been nothing but the best. Meeting the whole cast and the whole production team has been a pure joy and I can feel all the vibrance on set. It’s amazing. Expect na ibibigay ko talaga ang 100% ko to portray Annie Batungbakal and I’m so excited to explore this character and her journey throughout this whole story,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest


























