Maki, Kyla at Bini, magpapasiklab!

Tuluy-tuloy na dekalibreng performances ang mapapanood sa ASAP XP sa pangunguna nina Maki at Kyla at global pop groups na BINI, BGYO, at DNA ngayong Linggo (Mayo 24), 5:30 p.m. sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at iWant.
Humanda nang kiligin dahil hindi ka mangungulila sa dalang concert ni Maki para sa Zushis kasama sina Jarren Garcia at KD Estrada. Samantala, makikanta na sa performance ni Kyla ng kanyang trending song na Hanggang Ngayon.
‘Wag palampasin ang pagpapakitang-gilas ng husay at talento ng global pop groups na BINI, BGYO, at DNA, kasama sina Darren at Maymay Entrata.
Kapana-panabik din ang hatid na pasabog na performance nina Gary Valenciano, BGYO, Kyla, Carmelle Collado at Elha Nympha.
Broadway feels naman ang masasaksihan sa bonggang kantahan sa pangunguna ni Martin Nievera kasama sina Erik Santos, Jona, Jason Dy, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jed Madela, Sofronio Vasquez at Klarisse de Guzman.
Makiindak sa dance break performance nina Seth Fedalin, JM Ibarra, Jarren, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, at BGYO kasama sina Teacher Georcelle, G-Force, at G-Force students.
Isang kaabang-abang na finale performance ang matutunghayan mula kina Martin, Gary, Regine Velasquez-Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik, Angeline Quinto, Darren, Kyle Echarri, Maymay, Alexa Ilacad, Kyla, Klarisse, Jona, Jason, JM, Marielle, Kai Montinola, Elha, Esang De Torres, Carmelle, AC Bonifacio, Jarren at KD.
Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Darren at Alexa.
- Latest




















