Enrique Gil at Kim Domingo, may relasyon daw!

Parang in love na raw si Enrique Gil.
Pero hindi raw sa leading lady niya sa A Secret in Prague na si Andrea Brillantes kundi sa isa pang kasama nila sa nasabing serye ng TV5, si Kim Domingo.
Nauna na itong napansin ng mga dumalo sa preview nito weeks ago, dahil twinning daw ang kanilang outfit. Hanggang sa mga sumunod daw na event ng A Secret in Prague mas naging ramdam na may special connection na raw sila.
Sa kasalukuyan ay sinasabing loveless si Enrique habang na-link naman noon sa isang basketball player at pulitiko si Kim. Maaalala ring na-link si Kim kay Coco Martin nang maging bahagi siya ng FPJ’s Batang Quiapo.
- Latest



















