Ang Passion ni Adam
Maaga mapasabak sa trabaho si Adam Valentino dahil maaga siyang naulila sa kanyang ama na mula sa Cuba at kailangang maitaguyod ang buhay nila ng kanyang inang Filipina. (go koya!)
Una niyang trabaho ay taga pack at kargador ng mga mantika. (magaling ba mag- pack?!) “14 years old po ako that time, nagbitbit ako ng mga gallon-galon na mantika sa Bulacan,” pag-alala ni Adam. (lakas maka-workout nyan!)
Inikot din nya ang ilang mga restaurant at fast food chain bilang waiter. ( pa- serve ako, bro!) “Nag-work po ako sa samgyupsalan, sa fast food, pizza. nasanay ako makiharap sa tao sa work kong ‘yan,” pagbabahagi ni Adam. (I’m sure madami kumuha number mo at fb!) Marami nakapansin ng kanyang half cuban, half pinoy looks at inenganyo siyang mag-artista (lumalaban ang half half kaya nakapag-guest sa youtube channel naming WTFu!) “May nagturo sa’kin na gumawa ng set card, tapos sinipagan ko talaga magbigay ng set card sa mga agents at production, “paglalahad ni Adam. (ay mag-set na tayo ng date, bro!)
Naging talent sya ng ilang teleserye hanggang sa maisalang sa isang maigsing role sa Vivamax: “Barista ang una kong role. Pero nabigyan ko ng justice. Napabilib ko sila. Para raw po akong kuneho.” (baristang kuneho?!)
Ngayon pumapaldo ang 20-anyos na binata sa mga pelikula ng isa ring adult streaming app na Tbonx. Ilan sa pinagbidahan nya rito ay ang Pamangkin ni Mang Kanor, Jowa ng Kapatid at Enero “Focus ako sa art ko talaga. Nagpapakita po ako ng behind pero hindi po frontal. Focus po ako sa passion ko which is acting po talaga.” (so tito mo ba si Mang Kanor?!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest























