^

PSN Showbiz

Coco, mas maangas na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco, mas maangas na
Coco Martin

Walang preno na aksyon ang hatid ni Coco Martin sa kanyang mas umiigting na misyon kontra sindikato habang patuloy na nagbibigay kilig sa mga eksena nila ni Julia Montes sa patok na Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.

Mapapanood sa mga susunod na episode ang mas malupit na aksyon at maangas na stunts ni Coco bilang Gabo, na sasabak sa matinding bakbakan para pigilan ang ilegal na human trafficking operations nina Raul (Ricardo Cepeda) at Misty (Ina Raymundo), gamit ang kanyang high-tech na mga armas mula sa Anino, ang sikretong organisasyon ng gobyerno na lumalaban sa mga biga­ting sindikato.

Kaabang-abang din ang mga lambingan nina Gabo at ng kanyang pekeng misis na si Gloria (Julia Montes). Matapos magselos ni Gloria kay Misty, todo-suyo si Gabo at buong tapang na ibubunyag sa radyo ang wagas niyang pagmamahal sa misis.

Samantala, nagsisimula na ring kumilos ang mga Zafra, ang mortal na kaaway nina Gabo at Gloria, para linisin ang pangalan ni Victor (JM de Guzman) upang tuluyan na rin itong mailabas sa kulungan. 

COCO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with