^

PSN Showbiz

Star Worx ng TV5, may major launching!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Star Worx ng TV5, may major launching!
Johnny Manahan
STAR/ File

Ngayong araw, May 5, magkakaroon ng hard launch ang ta­lent arm ng TV5, ang Star Worx.

Dati itong MQAA Artists Agency —  na pinamumunuan ni Manny V. Pangilinan.

Magbabago ito ng tatak, Star Worx, sa ilalim ng pamumuno ng batikang Star Maker na si Johnny Manahan na nagpasikat nang napakaraming artista sa kasalukuyan.

Bago ipakilala ang 16 talents, sumailalim muna sila sa intensive personality and acting workshop.

Naniniwala ang Star Worx na ang mga artista ay hindi lumilitaw, sila ay 'binubuo'. Na kapag 'nagtrabaho' ka, nagiging isang bida ka.

Na totoo naman, walang sumikat na nakaupo lang.

Pero higit sa lahat, dapat maayos ang ugali mo. Na ayon kay Johnny Manahan na nakaukit na ang pangalan sa pagdiskubre ng mga sikat, ang mabuting ugali ang palaging prayoridad niya pagda­ting sa pagpili ng mga personalidad na may potensyal na pumasok sa showbiz.

Maalalang pumirma si Mr. M ng kontrata sa MQuest Ventures at MQAA late last year, at bahagi ng kontrata na alagaan ang susunod na sisikat at may pag-asang magkaroon ng magandang ambag sa showbiz.

Binigyan siya ng free hand ng talent arm ng kumpanya ni Mr. Pangi­linan kung saan nga pinalitan niya ang MQAA to Star Worx.

At bilang isang star maker, mortal sin sa kanyang ang pagiging late.

“Bawal ang late. Dapat kang makarating sa set sa oras at kailangan mong maging handa para sa trabaho,” aniya noong November nang ipakilala officially bilang bahagi ng TV5.

“Bawal magsigarilyo. Bahala kayo kung anong gagawin ninyo sa bahay pero kapag kasama ako, walang naninigarilyo,” dagdag pa niya.

Para kay Mr. M. ang isang ‘star’ ay isang taong kayang makuha ang atensyon ng publiko.

“What is a star? A star is someone who can capture your attention, drive you crazy, and who can separate you from your well-earned money. That is a star,” sabi niya that time.

‘Yun daw tipong magbabayad ka sa artista at sila ang magdi­dikta kung magkano.

May pagbabago kaya sa kasalukuyan na iba na ang sistema sa paggawa ng TV shows at pelikula? Na ang karamihang fans ay social media-based na.

Malaking event ngayong araw sa TV5 ang launching ng Star Worx at may coverage ito sa lahat ng platform ng MVP Group.

Sa 16 na ipapakilala ng Star Worx, ilan kaya sa kanila ang magiging Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Claudine Barretto, at iba pa?

Malaking bahagi si Mr. M ng Star Magic ng ABS-CBN at Sparkle ng GMA 7 at ngayon ay sa Star Worx ng TV5.

MR M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with