^

PSN Showbiz

Jon, muntik matukso

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jon, muntik matukso
Jon Lucas
STAR / File

Isa si Jon Lucas sa mga kaibigan na talagang sumuporta kay Nikko Natividad dahil sa iskandalong kinasangkutan ng huli kamakailan.

Naging malapit sa isa’t isa sina Jon at Nikko noong nagkasama sa grupong Hashtags ng ABS-CBN. Matatandaang mainit na pinag-usapan ang pagkakasangkot ni Nikko sa isang video scandal. “Minessage ko siya kaagad, Tito Boy. Kinumusta ko siya, siyempre inisip ko kaagad ‘yung family niya,” pagbabahagi sa amin ni Jon sa Fast Talk with Boy Abunda.

Bilang respeto sa kaibigan ay hindi na umano pinanood ni Jon ang naturang video scandal. “Sign of respect na lang din for Nikko, ‘di ko na pinanood ‘yung video. Napatunayan ko na lang din na totoo mula no’ng naglabas ng statement ‘yung family niya. Siya, ‘yung wife niya. Konting kwentuhan lang, of course hindi ko na tatanungin kung bakit nangyari. Ano ba nangyari? Basta nagsabi na lang ako na sobrang powerful na no’ng message ng wife niya para magbigay pa ako ng ibang payo,” dagdag ng aktor.

Para kay Jon ay mas mahalagang napatawad si Nikko ng asawang si Cielo sa kabila ng mga nangyari. Mayroon ding payo ang actor-dancer para sa kaibigan. “Kung pinatawad siya, hangga’t maaari, talagang ‘wag na niyang gawin, ‘wag na niyang ulitin. Iparamdam na niya sa wife niya talaga ‘yung pagiging tapat niya ngayon. Kasi mula day 1 na magkasama kami, alam ko mga pinagdaanan niyang si Nikko. Alam ko rin na sobrang struggling sila before. Tapos ‘yung wife niya nando’n sa kanya mula day 1, meron man o wala, nando’n lang talaga. So ang laking bagay na pinatawad na siya ng wife niya para magising siya na, ‘Kailangan ko talagang bumawi sa family ko,’” paglalahad ni Jon.

Ayon sa aktor ay mun­tikan na rin siyang mabiktima ng ilang babaeng nagpaparamdam ng kanilang motibo sa social media. “Yes, Tito Boy. Pakiramdam ko nga parang gano’n din kung sakali. Kasi paulit-ulit din talaga sila, meron po silang binabanggit na name ng condo. Kunyari minsan, nagba-bike lang ako or boxing. Biglang, ‘Dito ka na lang mag-gym sa ganitong condo.’ Paulit-ulit, lahat ng stories ko nire-reply-an nila ng gano’n. Kasi nga nasa message requests, hindi ko ino-open. Tapos ‘yung profile (picture), nakikita ko sa malayo, sexy,” kwento niya.

Ang pamilya umano ang unang sumagi sa isipan ni Jon upang makaiwas sa tukso noon. “Ayun, iniisip ko lang po talaga ‘yung asawa ko, saka ‘yung mga anak ko po. ‘Yon talaga ‘yung masasabi kong nagpapalakas sa akin at nagpapaiwas sa akin sa tukso po,” pagtatapat ng Kapuso actor. (Reports from JCC)

JON LUCAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with