Matteo, hindi nagbi-brief!

Gustong malaman ng fans kung tama ang narinig nila kay Matteo Guidicelli na hindi siya nagsusuot ng brief.
Sa guesting kasi ni Piolo Pascual sa talk show ni Matteo sa Bilyonaryo News Channel (BNC) na Matteo G Primetime, napag-usapan ang brief.
Tinanong ni Matteo si Piolo ng “Do you wear brief?” Sagot ni Piolo, “Yes of course!” Sagot ni Matteo, “Because I don’t” at kaswal niya itong sinabi. Natawa si Piolo at ang reaksyon na lang ay “Matteo, no brief.”
Naintriga ang mga nakapanood sa second episode ng show ni Matteo at gusto nilang malaman kung totoo o nagbibiro lang ang mister ni Sarah Geronimo na hindi siya nagbi-brief. Gusto tuloy ng fans na may mag-interview kay Matteo at tanungin kung legit na hindi uso sa kanya ang pagsusuot ng brief.
Anyway, sa G Studios nina Matteo at Sarah ang taping ng Matteo G Primetime at sa laki at ganda ng studio, nabanggit ni Matteo, puwede nang gumawa ng sitcom. Dahil dito, may mga nag-request na gumawa ng sitcom sina Matteo at Sarah, susuportahan daw nila kahit sa BNC umere.
Isa pang request ng fans, i-guest ni Matteo sa talk show niya si Sarah at pag-usapan nila ang kanilang married life at mga plano sa buhay. May request to guest John Lloyd Cruz, KC Concepcion at sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Padilla clan, nagsama-sama
Ang laking pamilya ng Padilla at nakita ito sa 92nd birthday ni Carlos Padilla, father ni Zsa Zsa Padilla. Star-studded ang birthday party sa rami ng celebrity na dumating na mostly ay galing sa Padilla clan.
Sa photos na posted ni Zsa Zsa sa Instagram, makikita sina Senator Robin Padilla and wife Mariel Rodriguez. Present din si Lorna Tolentino na ang husband na si the late Rudy Fernandez ay isa ring Padilla.
Present din si Gino Padilla at si Yael Yuzon na isang singer at member ng Sponge Cola band. Kumanta silang dalawa at nakipagsabayan sa bisitang seniors na ang gagaling kumanta. Of course, present din si architect Conrad Onglao na sikat din sa kanyang field.
Of course present sina Zsa Zsa, Zia Quizon at Karylle, tila wala si Daniel Padilla na representative sana ng younger generation ng mga Padilla. Wala rin si Amy Perez na relative rin nila Zsa Zsa.
Nakakatuwa ang part ng post ni Zsa Zsa na “To all our guests, thank you for celebrating with us and for understanding when we had to end the evening at 9pm, as we had an early flight the next day.” Ang agang natapos ang party, pero masaya.
May comment si Korina Sanchez na “You are blessed to still have them” na totoo naman. Napakaswerte ni Zsa Zsa and her family na kumpleto pa ang parents niya, kaya kailangan ngang i-celebrate.
Kim, bongga ang role sa secret…
Kasamang ipinakilala sa mediacon ng A Secret In Prague si Kim Domingo at ang role ng isang secret agent ay bumagay sa kanya. First series niya ito sa TV5 at marami ang nagulat na wala na pala siya sa GMA at nasa TV5 na. Nauna na siyang napanood sa FPJ’s Batang Quiapo ng Kapamilya channel.
May tsika nga na isa si Kim sa ipakikilalang Star Worx artist sa launching ng artists agency ng TV5 under Mr. Johnny Manahan. Para makumpirma, abangan ang launching sa May 5 ng Star Worxs para malaman kung isa nga isa sa magiging talent ni Mr. M at ng Kapatid Network.
Mauuna nga lang siyang mapanood sa A Secret In Prague dahil streaming ito sa Netflix kahapon at premiere naman sa TV5, 8:00 p.m. sa April 27, 2026.
Thankful si Kim na makasama sa cast ng romantic thriller series sa direction nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria.
“Isa ito sa big project ng TV5 at nagpapasalamat ako na makasama sa cast. Very excited na ako na mapanood ninyo ito. May action, drama at comedy ang series at makikita rin ang side ng mga agent, gaya sa role na ginagampanan ko,” sabi ni Kim.
Nagkatuwaan pala sa mediacon ng A Secret In Prague dahil nagkapareho ang suot nina Kim at K Brosas na black pants, black blazers at white tops at white shoes. Para ngang twinning ang dalawa sa kanilang OOTD o outfit of the day.
- Latest




















