Ang Power ng Sound Bath
Malakas ang paniniwala ko sa wellness and fitness activities. (feeling gym diva?!)
Ilang taon na rin akong sumasabak sa mga workout routine (nagmukha pa nga akong bouncer sa bar noon!) at paminsan minsan ay sumasalang sa yoga at meditation. (ay may kapayapaan!)
Bilang di na tayo bumabata, mas lalo pa ako nagiging interesado sa mga gawaing magpapalakas di lang ng katawan kundi pati ng kaluluwa. (oo hanggang dun!)
Isa sa bago kong nasubukan ay ang Sound Bath o Sound Healing.
Isa itong uri ng meditation kung saan kailangan mong mag-relax habang pinapakinggan ang vibrations at tunog mula sa mga instrumento gaya ng gongs, singing bowls, at chimes.
Layunin nitong magbigay ng malalim na relaxation, bawasan ang stress, at pakalmahin ang isip. (kalma lang tayo mga ateng!)
Sa Septakademika PH ako umattend ng session, (with other participants) kung saan sa loob ng halos 45 minutes, nakahiga kami habang pinapatugtog ng isang teacher/practitioner ang mga singing crystal bowls. (may pag-
vibrate ng bowls!)
Ayon sa pag-aaral, ang mga sound waves ay nagpapabagal sa brainwaves tungo sa isang relaxed o dreamlike state, na nagpapababa ng heart rate at blood pressure. (kaya wag ma-pressure!)
Aminado ako na medyo challenge sa’kin ang mag-concentrate habang nasa gitna ng meditation ( bilang masyadong malikot ang utak ko!) pero nagawa ko naman kahit paano at ramdam ko ‘yung good energy ng session. (tanggal nega vibes!)
Isa sa nakasabay ko sa energy healing activity na ito ay ang dating ABS-CBN News Reporter na si Paul Henson.
Hindi kami personal na magkakilala kahit pa halos kasabayan ko sya sa news reporting noon. (baka suplada ako?!)
Nagkakwentuhan kami at nalaman kong habang sya ay news consultant sa channel A2Z ay isa rin syang inner child meditation practitioner.
Nagsasagawa sya ng guided meditation para mas maintindihan ang sarili at ma-achieve ang tunay na pagkatao. (ang deep ha!)
Naging maka-
buluhan ang aming pagtatagpo. (walang coincidence sa universe!)
Nagpapasalamat ako sa kanyang words of wisdom. ( for a change hindi tsismis ang nasagap ko!)
Ramdam ko, magkakasama pa kami sa ilang sound bath activities at sa ilan pang soulful sessions. (magtayo kaya kami ng wellness center?!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest


























