Allen, ipinaglaban ni Sofia

Isa si Sofia Pablo sa mga naging housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na nagtapos kamakailan.
Habang nasa loob pa ng Bahay ni Kuya ay nagustuhan ang aktres ng kapwa housemate na si Iñigo Jose. Mas pinili namang maging tapat sa katambal at manliligaw na si Allen Ansay si Sofia. “Sobrang na-touch ako, Tito Boy. Kasi before pa talaga pumasok si Aki (palayaw ni Sofia) sa PBB, sinabi ko na sa kanya na malaking risk ito. ‘Pwedeng mawala na ‘yung love team natin. May mga ma-love team sa‘yo.’ Kaya sabi ko sa kanya na, ‘Kung may magustuhan ka do’n, kung may ma- love team sa ‘yo, hindi kita masisisi,’” nakangiting kwento sa amin ni Allen sa Fast Talk with Boy Abunda.
Kahit kailan ay hindi raw pinagbawalan ng Kapuso actor ang dalaga sa mga desisyon nito. Suportado umano ni Allen ang lahat ng ginagawa ng aktres. “Grabe po, sobrang nagulat ako na hanggang sa loob (ng PBB house) talaga, pinaglaban niya ako. And no’ng araw na ‘yon, talagang naiyak ako, Tito Boy, eh. Sabi ko, ‘Grabe talaga si Aki.’ Hindi naman kami, pero ‘yung assurance na binigay niya sa akin, habang nasa labas (ako), sobra-sobra,” dagdag ng binata.
Matatandaang nagpahayag ng kanyang tunay na damdamin si Iñigo para kay Sofia habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Ayon naman sa Kapuso actress ay talagang iningatan lamang niya kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Allen. “Siyempre iniisip ko rin si Allen. And at the same time ‘yung supporters po. Kasi siyempre parang may manliligaw sa labas. And I feel like it’s unfair naman kung parang... ang lugi kung nasa loob ako tapos biglang I’ll give in right away,” paliwanag ni Sofia.
Para sa dalaga ay hindi rin magandang sa loob ng PBB house magsimula ang pagmamahalan o isang relasyon. “It’s really better na outside. And siyempre, meron akong kilala na sobrang tagal. So ayoko naman na parang balewala na lang siya na gano’n lang,” giit ng Kapuso actress.
Derrick, pinaghahandaan si Ibarra!
Magbibida si Derrick Monasterio sa musical play na Ibarra... Ngayon. Kahit abala sa GMA afternoon prime series na Apoy sa Dugo ay pinaghahandaan na ngayon ng aktor ang kanyang karakter bilang si Ibarra. “Ang ginawa ko pa lang now is ‘yung mga bio pa lang niya, sa books, sa YouTube, mga gano’n. Pero dapat panoorin ko ang Maria Clara at Ibarra. Matinding aralan lang talaga sa characterization,” paglalahad ni Derrick sa 24 Oras.
Kabi-kabila man ang ginagawang proyekto ay sinisikap pa rin ng binata na magkaroon ng oras para sa kasintahang si Elle Villanueva. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais daw makapagbakasyon ng magkasintahan. “Pupunta na lang siguro ng beach. Three nights, four days trip okay na ‘yon. Sa malapit na lang, ‘yung pinaka-hindi magastos,” nakangiting pahayag ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest


























