Richard at Gerald, ibang klaseng aksyon ang ginawa

Kulang pa ang mga salitang ‘ibang level,’ ‘todo,’ at ‘grabe’ sa mga eksena ng action drama series na Blood vs. Duty na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez and Gerald Anderson kasama sina Bela Padilla, Barbie Imperial, Baron Geisler at Ejay Falcon.
Talagang ibang klase ang action scenes at parang hindi ka bibitaw ‘pag inumpisahan mong panoorin.
Kahapon ay nagkaroon ito ng advance screening na dinaluhan ng mga bida ng serye.
Napanood namin ang mga eksena sa unang linggo ng airing nito at talagang mawiwindang ka sa mga eksena nito na ipinakilala sina Richard at Bela na bahagi ng isang government agency na may misyong kalabanin ang mga nagdadala ng ilegal na mga baril sa bansa kasabay ng misyon na tapusin ang mga krimen na epekto nito.
Ibang klase naman ang role ni Gerald dito na kabilang sa komunidad na nahaharap sa isang matinding pag-atake mula sa gobyerno.
Parang pelikula ang atake sa mga eksena kaya talagang palakpakan ang mga andun sa advance screening.
Mag-uumpisang mapanood ang ABS-CBN action drama series na Blood vs Duty sa April 3 sa Netflix, iWant on April 4, and free TV (All TV2, Kapamilya Channel, A2Z, and Kapamilya Online Live) on April 6.
- Latest



















