^

PSN Showbiz

Kate, pinagtangkaan ang buhay!

Pilipino Star Ngayon

Inihahandog ng iWant ang ika-pitong orihinal na vertical microdrama ngayong taon na A Mother’s Vengeance.

Patuloy ang pagsikat ng paggamit ng vertical na format sa mga manonood dahil sa hatid nitong aliw at halu-halong emosyon sa pinaikling oras.

Pinagbibidahan ito ni Kate Alejandrino-Juan bilang Helen, isang ina na pinagtangkaang ipahamak ng kanyang mga biyenan—ang makapangyarihang pamilya Regala—sa isang planadong aksidente. Lingid sa kanilang kaalaman, nailigtas siya ni Doña Carmen Montinola, na nagbigay sa kanya ng bagong pagkakakilanlan bilang si Serena Montinola upang makapagsimula nang muli at ipaghiganti ang sarili.

Habang hinaharap ang kanyang bagong buhay, matutuklasan ni Serena na buhay pa pala ang kanyang mag-ama—Juanito at Anne—ngunit patuloy silang inaalipusta at inaabuso ng pamil­yang Regala, ang mismong mga taong nagtangka sa kanyang buhay.

Mag-subscribe na sa iWant at panoorin ang episodes ng A Mother’s Vengeance simula Biyernes (Marso 20).

IWANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with