^

PSN Showbiz

Arjo at Maine, may pinagdaraanan?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Arjo at Maine, may pinagdaraanan?!
Arjo Atayde at Maine Mendoza
STAR / File

Ba’t kaya nagkaroon ng intriga na may problema sa pagsasama sina Cong. Arjo Atayde at misis niyang si Maine Mendoza?

Kaya naman nag-post na si Arjo na siguradong pangontra sa mga pang-iintriga ng iba para sa birthday ng misis niya : “Through all the ups and downs, I’m so grateful I get to do life with you. Happy Birthday, my love. I love you so much.?”

Habang si Maine naman ay may post ng solo photos niya na may hawak na cake : “Grateful for the overflowing birthday love. Thank you for the greetings and wishes. Happy 31st!”

At least ngayon ay malinaw na hindi sila hiwalay pero may pinagdaraanan nga ba sila?

Coco, ipinakita ang hitsura nila ni Julia sa serye

Isang engrande at punong-puno ng pasasalamat na selebrasyon ang hatid ni Coco Martin sa  ASAP Presents FPJ’s Batang Quiapo Pasasalamat ngayong Linggo (March 8) kung saan magsasama-sama ang buong cast ng serye para maghatid ng saya sa mga fans nilang walang sawang sumuporta sa kanila.

Bonggang powerhouse opening number ang bubungad sa manonood sa pa­ngunguna ni  Coco kasama sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, Belle Mariano, Darren Espanto, Alexa Ilacad, BINI, Jona, Elha Nympha, Esang De Torres, at Carmelle Collado pati na rin ang  Batang Quiapo rappers na sina Bassilyo, Smugglaz, Kial, Sisa, MastaFeat, at Flict-G.

Abangan din ang nakakakilig duet mula kina Coco at Maris Racal.

Susundan ito ng isang pasabog na performance mula kina Ogie, Erik, at Yeng kasama ang naging pamilya ni Tanggol na sina Cherry Pie, Angel Aquino, Rosanna, Roces, Chanda Romero, Jake Cuenca, Aljur Abrenica, Ron Martin, Elijah Canlas, John Medina,Mark Lapid, Alan Paule, Joel Lamangan, Ihman Esturco, Atty. Rey Campanilla, Tess Antonio, Coach Badong, Chet Pastrana, Atong Redillas, Bobby Henson, Jun Nayra, Nor Domingo, Aleck Bovick, at Raymond Ronquillo.

Paiinitin naman ng babaeng cast members ng serye na sina Ara Davao, Criza Taa, Gillian Vicencio, at Maris hatid ang ASAP stage sa isang maalab na dance number.

Huwag din palampasin ang pinaka-aaba­ngang duet nina Coco at Julia Montes sa pagpapakilala nila ng kanilang bagong serye na Coco Martin’s Sigabo na mapapanood na simula sa March 16.

Alvin Aragon, sumawsaw sa isyu ni Suntay

Nakakaloka, nakisali na naman ang kontrobersyal na dating aktor na si Alvin Aragon sa issue nina Anne Curtis at Quezon City Rep. Bong Suntay.

Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi ng mister ni SexBomb member Izzy Trazona ang isang panayam sa kanya kung saan ay napag-usapan nila ang issue nina Anne at Suntay.

Aniya : “Ano ang sabi ni Jesus? ‘If you look lustfully at a woman, you have already committed adultery in your heart.’ So, tingnan mo pa lang ang isang babae na nagnanasa ka, parang ginawa mo na yung physical act.”

Pinangaralan nito ang kongresista, gayundin ang mga kababaihan at mga mister ng tahanan.

“Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa, may mag-iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs.

“Kaya Filipino men protect your wife, may ‘Sin of lust’ kasi. And Filipino women dress modestly to avoid sexuaI desire. ‘Kasi nga may Sin of lust.

“Alam nyo mahirap talaga yan iwasan. Si Jesus lang ang makakatulong sa ’yo ma-overcome yan,” sabi niya.

At dinagdagan niya ng : “Jesus said: …if your eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It’s better to enter eternal life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fire of hell…”

Kaya naman ayun, na-bash bash na naman si Alvin at sinasabing nagpapaka-righteous na naman ito.

Hanggang kahapon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang ginawa ni Suntay na paggamit kay Anne sa isang analogy na nagkukumpara sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“Alam n’yo minsan, nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis, ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na, nag-init talaga, na-imagine ko na lang kung ano’ng pwedeng mangyari pero syempre hanggang imagination na lang ‘yon. Pero ‘di naman siguro ako pwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh,” ang pahayag ni Suntay.

Humingi ulit ng paumanhin si Rep. Bong Suntay kahapon.

Sa pakikipag-usap kay Karen Davila ng ABS-CBN News sa ANC, sinabi ng mambabatas na ang paggamit ng sekswal na pantasya ay “hindi dapat” ginawa upang magbigay ng isang punto at inamin na “maaaring may mas mahusay na pagkakatulad.”

“Humihingi ako ng paumanhin sa mga taong nasaktan. Hindi dapat ginawa ang paghahalintulad na iyon. Kung gugustuhin akong husgahan ng mga tao, ang pagkakatao ko ay batay sa isang pahayag at kalimutan ang lahat ng nagawa ko sa serbisyo publiko mula noong 1998, hindi ko sila masisisi,” sabi niya sa English.

“Nagawa na ang pagkakamaling iyan... Maaaring magkaroon ng negatibong reaksiyon iyan. Karapat-dapat ako sa mga sinasabi nila,” sabi pa niya na parang nagpapaawa pa.

Binaha kasi siya ng maraming backlash at siguro ay hindi na niya kinaya kaya inulit niya ang pagso-sorry.

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with